Chapter 4

291 8 0
                                    


Weeks passed by so fast, midterms week na next week , sobrang bilis ng oras siguro dahil busy din kami. Paminsan-minsan ay umiinom pa rin kami ng mga tropa ko pero sa Morato na lang para malapit. Sometimes we just need to chill because of the loads of requirements that we need to accomplish.


Hindi ko rin madalas makita si Lex pero tuwing magkakasalubong kami ay nginingitian ko na rin siya pabalik because maybe he isn't that bad after all.


Today is Saturday and I woke up earlier than usual because I plan to go to the gym. Sunday ako usually pumupunta roon at Saturday night sumisimba pero dahil midterms week nga next week, I'll go to the gym today because I plan to review tomorrow after going to church in the morning.


Gusto ko kasing nagre-review ahead of time para mas ma-retain ng utak ko yung aaralin ko. I don't like cramming because I'll easily forget the things I reviewed at ayokong nagpupuyat para lang mag-review, kailangan 6-8 hrs. ang tulog ko para mag-function yung utak ko nang ayos during exams.


I went to my usual gym, member na rin ako dahil madalas naman akong pumunta dito. Mas maunti pala ang tao kapag Saturday? Maybe I should go here on Saturdays instead. I placed my things in the locker and started to do my usual routine. Pumunta ako sa treadmill, I saw a familiar figure using one of the treadmills. Napalingon siya sa gawi ko kaya itinigil niya ang pagtakbo.


"A-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita rin siya. 


"Am I following you?" he said using my tone whenever I say it, nakapamewang at nakataas pa ang kilay niya habang sinasabi 'yon.


Damn ang gwapo. Hot, actually. Callista! Stop daydreaming about him! The guy already has a girlfriend so you need to back off.


Napangiti na lang ako at pinindot na ang controls ng treadmill. I listened to my workout playlist and started my routine. Nauna siyang umalis pagkatapos ng ilang minuto, after a few minutes ay tumigil na rin ako at nagcool down.


I went to the shower room after at nagpalit sa mas preskong damit bago umuwi. God! I'm famished! Pumunta ako ng locker room para ayusin ang gamit ko, naabutan kong nag-aayos din doon si Lex kaya noong papalapit na ako ay napatingin siya sa'kin.


"Are you going home already?" he asked. "No, I'll eat first." sagot ko naman.


"Yayakagin sana kitang kumain kaso nagmamadali ako, baka di ko masulit."


"Ha?" seryoso kong tanong dahil hindi ko siya naiintindihan. "Hatdog." Walang kwenta niyang sagot. Pumunta na ko sa pinagpark-an ko at saka ko lang napansin ang kotse niya sa tabi ng akin.


"Bye. Ingat sa pagdr-drive." nakangiti niyang sabi. "You too." I smiled back. Why does our meetings always end up with those words?


"Fuck!" Mura ko nang makita ang oras, agad akong napabalikwas sa kama ko. Male-late na 'ko sa misa! Nakalimutan kong mag-set ng alarm! Dali-dali akong naligo at nagbihis dahil 20 minutes na lang ay magsisimula na ang misa. I wore a white button down shirt, leaving 2 buttons unbuttoned then tucked it in a black high waisted skinny jeans. I also wore my white round buckle belt and white sneakers.

Courts and ConstructionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon