"CALAGUAS HERE WE GOOOO!!" sigaw ni Xav nang makarating kami sa bahay nina Navi.
May bahay sina Navi rito sa Camarines Norte dahil taga rito ang lolo at lola niya, minsan lang daw sila pumunta rito dahil nasa Parañaque ang bahay nila.
Pare-pareho kaming magkakaibigan na tumitira sa condo kahit around Manila lang din ang bahay, hassle kasi kung pabalik-balik pa, pagod na nga mentally tapos physically pagod din.
It's Navi's birthday on the 17th so she treated us by bringing us here, she paid for the airfare, ang tutuluyan naman ay sa bahay nila na medyo malapit lang sa dagat kaya libre na 'yon.
Limang araw kaming mag-stay dito kaya 15 pa lang ay pumunta na kami at babalik sa Manila sa 19. Lima o higit pang araw tuloy bago ko makita ulit si crush, buti na lang may internet sina Navi kaso mabagal daw pero okay na rin kesa wala.
"Hi nandito na kami." sabi ko kay Lex nang sumagot siya sa tawag ko.
"LDR tayo. Miss na agad kita." reklamo niya. Pabebe amp.
"LDR ka dyan! Sinagot na ba kita?" pang-aasar ko at tinaas pa ang isang kilay kahit hindi niya naman nakikita.
"Edi hindi hmp!" pagpapabebe niya ulit. Pakaarte nito! Tinawanan ko na lang. Cute mo crush!
"Facetime tayo pleaseeee." pagmamakaawa niya. Miss na miss na ata ako nito ah? Huli pa naming kita ay noong graduation niya eh magda-dalawang linggo na ang nakakalipas, puro facetime lang kami lagi.
"Mahina signal dito kaya mabagal internet, sa gabi siguro mabilis." sabi ko. Buti nga ay nakahanap ako ng lugar na may signal at natawagan ko siya.
"Awww okay. Bored na ko rito sa bahay, baka sa sobrang bored ko sumunod ako sayo riyan." pagloloko niya. Alam kong kaya niya yong gawin, 'yun pa! Parang BDO ang gagong 'yon he finds ways. Charot.
"LUH? Baket tropa ba kita?" pagtataray ko at umirap pa sa kawalan. Kala mo friends kami! Eh more than friends but less than lovers naman kaya! Jk 1/2.
"Oo na nga po hindi na." pagsuko niya na animo'y lungkot na lungkot ang tono. Bakit ba 'to nagpo-po eh weakness ko 'yon! hehe
"Arte nito! Where are your parents anyway?" tanong ko naman.
"Work as usual. Send photos later ha! Patingin itsura mo!" pagrerequest niya.
"5k isang photo, mahal kaya wag na." pagp-presyo ko naman. Mahal ang talent fee ko DUH!
"I'll pay mahal!" he cheerfully stated. Teka bakit may ganoon sa dulo!
"Yuck anong mahal?!" gulat kong tanong.
"Kala ko endearment natin 'yon eh hehe. Jk 1/2." palusot niya naman.
BINABASA MO ANG
Courts and Constructions
Romance(Engineering Series #1) Calli, a second year Civil Engineering student from UST, meets Lex, a fourth year Legal Management student also from UST, in a night out. Will this night bring the two closer together or further apart? Two different professio...