SUBWAY STATION
Nakasalampak ang isang babae sa sulok ng subway station. Magulo ang kanyang buhok na pinatungan ng lumang sombrero. Luma at butas butas ang suot niyang damit. May suot din siyang sunglass na may basag sa kaliwang mata. Nakasandal sa kanyang tabi ang isang tungkod na kahoy habang nakalapag naman sa harapan niya ang isang lata.
"34," Mahinang saad ng babae matapos may aleng dumaan at naghulog ng barya sa kanyang lata.
"16," Bulong ulit ng babae nang maghulog ng mga bato ang isang grupo ng mga bata sa kanyang lata. Nagtatawanan pa ang mga ito habang naglalakad paalis.
"40," Saad ulit ng babae nang may humintong lalaki sa kanyang harapan at kinuha ang lahat ng laman ng kanyang lata. Pati nga ang pagkain na binigay sakanya ng social worker ay hindi nito pinalampas at tinangay rin.
Makalipas ang ilang minuto, napansin ng babae ang humintong leather shoes sa kanyang tapat. Tumingala siya mula sa pagkakayuko at pinagmasdan kung sino ang nagmamay-ari ng nasabing mamahaling sapatos. Bumungad sa kanya ang pamilyar na mukha ng lalaki. Nakasuot ito ng itim na suit, may suot na magarang shades, at may earpiece na nakakabit sa tenga nito.
"Princess Mirae," Mahina ngunit seryosong tawag ng lalaki sa babae. Walang bahid ng emosyon ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. Tuwid itong nakatayo sa harapan niya at nasa magkabilang gilid naman nito ang mga kamay nito. "What are you doing here?"
"I'm doing a little social experiment. " Kaswal na pagbabahagi ng babae. Itinaas pa niya ang kanyang lata upang ipakita sa lalaki. "I'm trying to see which one among the people who will help, prank, or steal a blind beggar like me has the largest percentage."
Wala namang naging reaksyon ang lalaki mula sa narinig. Diretso lang ang mukha nito habang nakatitig sa babaeng nakasalampak sa sahig. Mukhang hindi na ito nagulat sa sinabi ng babae.
Napahawak ang babae sa kanyang baba at tumingala na tila ba nag-iisip. Bahagya niya pang itinagilid ang kanyang ulo. "As of now, the ones who stole from me is winning. 40 in number. So...40 people have stolen coins from a beggar in disguise. How devastating." Umiling-iling ang babae na animo'y disappointed ito sa natuklasan. "It seems like humans have really lost their humanity. Tsk."
Inilahad ng lalaki ang kamay sa harapan ng babae. Deadma lang ito sa mga shinare ng babae. "I shall now escort you back to the palace."
Umiling ang babae. Ibinuka niya ang kanyang kamay at pinagmasdan ang kanyang mga kuko. Di niya pinansin ang nakalahad paring kamay ng lalaki gaya na lang ng pagdeadma nito sa mga sinabi niya. "As the princess of this country, it's my duty to take care of my people. So here I am, observing them and planning projects that will benefit them."
Tama, hindi talaga bulag o pulubi ang babaeng ito. Hindi man halata sa ayos niya ngayon pero siya ang nag-iisang prinsesa ng bansang ito. Siya si Princess Mirae Aleckshild, ang bunsong anak ng hari. Well, she's the troublemaker princess to be exact.
"Princess Mirae." Saad ng lalaki. Hindi parin nito binabawi ang kamay nitong nakalahad sa harapan ni Mirae. "You don't have to put a disguise and go all the way here just to observe the people. I will just hand you a detailed report for any institutional matters you are interested in."
Mirae sighed, talagang hindi kinagat ng lalaki ang kanyang palusot. Itinaas niya ang suot na salamin, ipinatong niya ang kanyang baba sa likod ng kanyang palad, at saka pinagmasdan ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Ngumisi siya na parang nang-aasar. "What to do? I don't want to go home yet~"
Hindi naman natinag ang lalaki sa pang-aasar ni Mirae. "King Daniel, his majesty, is looking for you Princess Mirae. His majesty has ordered us to bring you back to the palace. He allowed us to use all sort of means and utilize force if needed." Bahagya nitong itinaas ang kaliwang kamay at sumenyas na siya namang naging hudyat ng pagdating ng labing-limang kalalakihan. Gaya ng lalaking ito, nakasuot rin ang mga bagong dating ng itim na suit, naka-shades ng itim, at may mga earpiece ding suot.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE CAMPUS PRINCE
ActionFrom a ROYAL PRINCESS to a CAMPUS PRINCE, real quick. Mirae Aleckshild is the youngest child and only daughter of the King. She's a real-life princess. She possess everything that princesses from fairytales have; name it, she has it. However...