C3: Bye Princess, Hi Prince

1.5K 128 13
                                    

Escape. Mirae had always been thinking about escaping and running away. In fact, matagal na siyang nagpla-plano. But so far, all of the plans she had come up with seems to cause too much complications and hassles.

First, Mirae thought of forcefully escaping, yung tipong harap-harapan siyang tatakas at hindi niya uurungan ang sino mang maging obstacle sa objective niya---pero masyado itong matrabaho, considering na halos libo ang bilang ng royal guards sa Golden Palace at puro skilled ang mga ito. Kaya ekis ang isang ito.

Second, Mirae also thought of hiring a substitute princess.  A fake princess na kayang mag-occupy sa pwesto niya habang wala siya, just like in the movies---but obviously, this one is impossible. Sa rare eye color niya pa lang ay wala na siyang makukuhang substitute. Wala nang ibang tao sa mundo na ito aside from their immediate family ang may 'gold' eye color. Besides, are there anyone in this world 'talented' enough to perfectly copy how she think, speak, and move? No one one. There's no one.

And third, Mirae thought of faking her death. Uso sa movies at books ang pagpapanggap na patay---however in real life, it isn't as easy as it seems. Kung makatakas nga ay pahirapan na, paano pa kaya ang pagpapanggap na patay? Silly idea.

So from all of these plans...Mirae thought that her of plan of escaping from the palace, running away from this country, and pretending as a guy would be perfect. This will paved the way to her long awaited...freedom.

And now, ie-execute na ni Mirae ang plano niya.

"Time check," Sinilip ni Mirae ang wristwatch sakanyang pala-pulsuhan. "12:51. Perfect."

Inayos ni Mirae ang black cap na nakapatong sa ulo niya. Nagsuot din siya ng black mask. At isinukbit niya ang black backpack bag sa balikat niya. Ready na siya.

Naglakad si Mirae patungo sa bintana as quietly as possible. Kahit kasi ni-lock niya ang double doors ng kwarto niya ay nasa labas parin nito ang kanyang personal servants at royal guards na nag-babantay sa kanya. And worst, kapag naghinala ang mga ito ay madali lang nilang mabubuksan ang double doors dahil may hawak silang spare key for emergency---emergency like kapag kailangan nilang check-up-in kung tumakas siya.

Mirae can feel her heart thumping wildly. The thrilling sensation of this 'plan' makes her nervous and excited at the same time. This is the turning point of her boring days!

Mirae carefully took a peek outside the window. Matagal niya nang na-memorize ang pattern ng pagro-ronda ng royal guards---alam niya na kung kailan dadaan ang mga ito, kung kailan sila magbre-break time, at pati kung kailan sila magpapalit ng shift. But then, Mirae couldn't afford to take risk. Mabuti na yung sigurado.

After making sure na safe ang vicinity, mabilis ngunit maingat na binuksan ni Mirae ang bintana. Bumwelo siya atsaka tumalon papunta sa malaking sanga ng puno kungsaan niya inutusang maglambitin ang bagong royal guards kaninang umaga. Maingat at tahimik siyang nagpalipat-lipat ng mga kinakapitang sanga hanggang sa tuluyan na siyang nakababa sa damuhan. Luckily, the branches are still sturdy despite of having to carry the weights of the royal guards.

It took two hours before Mirae could finally escape the Golden Palace. Pinili niya kasing manatili sa blindspots ng CCTV cameras upang hindi maalerto ang royal guards. Matiyaga rin kasi siyang naghintay na makalagpas ang royal guards na nagra-rounds bago siya kumilos. Para na talaga siyang tumatakas na preso sa paraan kung paano siya magtago at tumakbo.

"Finally." Napabuntong hininga si Mirae at napasandal sa isang puno. Kumbaga sa game, nalagpasan niya na ang first level.

"Now, it's time for the get away vehicle." Binalingan ni Mirae ng atensyon ang big bike na nakatago sa damuhan. Ito ang 'get away vehicle' na pre-ne-pare niya for this plan. Buying and hiding this bike was a challenge for her, especially that her guards were always at her tail.

SHE'S THE CAMPUS PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon