C4: Friendship

1.3K 124 7
                                    

Bridge is a computer genius. Bata pa lang ay kabisadong kabisado niya na ang mga pasikot-sikot sa computer. Isa na rin siyang skilled hacker na kayang pasukin at i-hack ang mga system na may mahihigpit na security at protection. And because of this talent, she was able to make money out of hacking.

With her talent and skills, Bridge was able to visit several countries at the age of 17. Halos nalibot niya na ang buong mundo dahil sa pagiging hacker niya. Pero kahit isa siyang hacker ay pinipili niya pa rin ang mga trabahong tinatanggap niya. As much as possible, ayaw niyang ma-involve sa 'risky sidelines'.

Pero dahil nga sa talent and skills ni Bridge, naging apple of the eye siya ng mga masasamang organisasyon. At dahil tumanggi siya sa inalok na trabaho sa kanya ng isang syndicate ay sapilitan siyang kinidnap at dinala ng mga ito sa bansang kung tawagin ay Golland, ang isa sa pinakamayamang bansa sa buong mundo.

Simple lang ang gusto ng sindikato na ito mula kay Bridge. Kailangan niyang i-hack ang security and protection security ng Vault---ang lugar kungsaan nakatago ang wealth and classified documents ng Royal family ng Golland.

But of course, Bridge knows better than this. Alam niya kung gaano kahigpit ang security and protection ng Golland and even her who has incredible skills in this field will be having a hard time doing it. Besides, she couldn't risk her life for this. Sa oras kasi na pumalpak siya at malaman ng mga taga-Golden Palace na pinagtangkaan nilang pagnakawan ang mga ito ay kamatayan ang aabutin nila. Ipinapatupad pa naman sa bansang ito ang death penalty.

"I told you, I won't do it." Madiin na pagtanggi ni Bridge.

"Why are you acting so hard, bitch?!" Galit na sigaw ng matabang lalaki na tadtad ng tattoo. Ito ang leader ng nasabing sindikato.

Bridge closed her eyes. Ramdam na ramdam niya ang paglapat ng malaking palad ng lalaki sa kanyang pisngi. Kahit hindi niya nakikita ang sarili sa salamin ngayon ay sigurado siyang nagmarka ang kamay nito sa pisngi niya. Sobrang lakas ba naman ng pagkakasampal nito sa kanya.

"Ouch." Daing ni Bridge. Masakit man ang namamanhid na pisngi, hindi pa rin siya nagpatalo. Sinamaan niya ng tingin ang lalaki. Damn stupid fatso.

"And you even have the guts to glare at me like that?!" Akmang sasampalin na naman ng lalaki si Bridge ngunit nahinto ang kamay ng lalaki sa ere nang bumukas ang pinto ng kinaroroonan nilang bodega.

Niluwa ng nasabing pinto ang isang lalaki na sa tingin ni Bridge ay kasamahan din ng matabang lalaking kaharap niya. Ngunit ang higit na nakakuha ng atensyon ni Bridge ay ang batang kasama ng lalaki. Mga wala talagang kwenta, pati ba naman bata idadamay nila?!

"Boss, look at what I found!" Natatarantang saad ng bagong dating na lalaki habang hinihila ang batang babae.

"What?! What?!" Tila naiinis naman na wika nang matabang lalaki. Nakakunot ang noo nito habang pinagmamasdan ang bagong dating na lalaki. Bakas sa mukha nito ang pagkairita. "What are you shouting about?!"

"The Princess! The Princess!" Parang nawawala na sa tamang wisyo na ani ng lalaki.

"Dumb bastard!" Mukhang na-bwisit na ang matabang lalaki sa inaakto ng kasamahan. Sinuntok nito sa pisngi ang kasamahan. "Fix yourself and tell me what you are shouting about like a crazy bastard!"

Hinimas-himas ng bagong dating na lalaki ang pisngi nito. Mukhang nagbalik na rin ito sa tamang wisyo. Humalakhak ito saka ipinakita ang batang dala-dala nito. "I found the princess of this country roaming on the street."

SHE'S THE CAMPUS PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon