C10: Fragments

1.2K 93 18
                                    

"Subject 1111 on test."

"Vital signs?"

"Stable."

"Okay, ready the syringe."

"3, 2, 1... inject the fluid."

"Doctor! Doctor! Subject 1111 is convulsing!"

"Code red! Code red!"

Unti-unting iminulat ng batang babae ang kanyang mga mata. Bumungad sakanya ang nakakasilaw na puting ilaw. Ilang beses siyang kumurap. Unti-unti niyang naaninag ang bulto ng mga taong nakapaligid sakanya. Hindi niya makita ang mukha ng mga taong naka-scrubs dahil nakasuot ang mga ito ng surgical mask. Base sa kasuotan ng mga ito, mukha silang mga doktor.

Tahimik lang ang mga taong mistulang mga doktor. Nakatayo lang ang mga ito habang nakatitig sa batang babae. Hindi man maaninag ang kabuoan ng kanilang mga mukha ngunit kitang-kita ang gulat sa kanilang mga mata.

"...Where am I?" Ito ang unang tanong ng batang babae. Bumangon siya mula sa kanyang pagkakahiga tsaka umupo sa kinalalagyan niyang operating bed. Palipat-lipat ang tingin niya sa mga taong nakatayo sa kanyang harap. "Who are you?"

"Subject 1111..." Ani ng isa. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kinaroroonan ng batang babae.

"... It's a success!" Dugtong ng isa pa at nagsimula na rin itong maglakad palapit sa operating bed na kinaroroonan ng batang babae.

"We made it!" Tila ba tuwang-tuwang anya ng isa pang tao. Pumapalakpak pa ito na tila may malaki itong achievement.

"Subject 1111," Ani ng isang baritonong boses.

Tumabi ang tatlong doktor. Tila ba binibigyan nila ng daan ang huling nagsalita. Isang matangkad na lalaki ang nagsimulang maglakad. Habang naglalakad ay hindi nito inaalis ang tingin sa batang babae. Para bang pinagmamasdan nito ng mabuti ang bata, pinag-aaralan kumbaga.

Kung ikukumpara ang lalaking ito sa mga kasama ay ibang-iba ang tindig nito. Masasagap sa aura nito na ito ang superior sa kanilang apat.

"You made me really really really happy." Inilapat ng lalaki ang kamay nito sa balikat ng batang babae.

Kahit may suot na salamin ang lalaki ay kitang-kita ng batang babae ang itim na itim na mga mata ng lalaking kaharap. Ramdam niya ang pagtayo ng kanyang mga balahibo. Nakakatakot ang mga mata ng lalaking ito...tila ba walang buhay ang mga mata nito. Purong kadiliman lamang.

Umalingaw-ngaw ang halakhak ng lalaki. Isang minuto...dalawang minuto...tila ba walang katapusan ang halakhak ng lalaki. Para itong nababaliw.

At dahil dito, mas lalong kinilabutan ang batang babae. Takot. Napuno siya ng takot. Hindi niya alam kung nasaan siya o kung anong nangyayari, ngunit nakakasigurado siya sa isang bagay... mapanganib ang taong kaharap niya ngayon.

"My perfect creation," Anas ulit ng lalaki. "Welcome to the Colony!"

•••

Yes, Mirae said she would make an impression. But not this kind of impression...

Kasalukuyan siyang nakatitig sa puting kisame habang inaalala ang mga nangyari sa unang araw ng klase.

She fainted.

Yes, she fainted right after she asked the name of the strange person she 'saved'.

Sa hindi niya malamang dahilan ay nakaramdam siya ng matinding pananakit ng ulo, sinundan ito ng pagkatuyo ng kanyang lalamunan, at pagtulo ng malamig na pawis mula sa kanyang noo. Then, the next thing she knew, nasa kama na siya ng school clinic.

SHE'S THE CAMPUS PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon