C11: Instant Famous

1.1K 90 39
                                    

"Wow."

Iyan ang unang salitang lumabas sa bibig ni Mirae nang makita niya ang notifications sa kanyang cellphone. Chineck niya ang lahat ng social media account niya. Pare-parehas lang ito na may mga umaapaw na notifications. New followers, flood likes, and message requests. Sa unang araw pa lang ng klase, na hindi naman niya nagawang attend-an, ay ganito na siya kasikat. Just wow.

It looks like her name and her accounts spread in the school like a wild fire. Well, it's all thanks to Bridge. Ibinilin niya kasi rito na ito na ang bahala na magpakalat ng name niya sa school matapos niyang gumawa ng eksena.

Muli siyang bumalik sa wall ng kanyang account sa InstaFeed. Ang profile picture niya ay ang picture niya na kinuha ni Bridge noong unang araw niya sa bansang ito. Sa larawan, makikita siyang naka-side view, suot ang kanyang eyeglasses, habang nakapatong ang kanyang baba sa likod ng kanyang palad, at nakalapat naman ang straw ng boba tea sa kanyang labi. It was the perfect photo for this account.

At upang mas mag-mukhang legit ang kanyang account ay complete pa ito sa ibang details gaya ng age, bio, at schools attended. Maliban doon ay may posts pa siya. Kung titignan ay talagang mukhang normal na account lang ito.

Buti na lang talaga at naisapan niyang magpaggawa ng accounts kay Bridge. Dahil sa kanyang 'social media presence', nagmumukhang mas realistic ang pagkatao niya bilang si Myrco Alcantara.

Of course, upang hindi naman ma-trace sa Golland ang kanyang account ay ginawan din ito ng paraan ni Bridge. Sinigurado nito na hindi maa-access sa Golland ang accounts niya. Perks of having a hacker friend.

Nahinto si Mirae sa ginagawa nang maramdaman niya ang presensya sa tapat ng pinto ng kanyang kwarto. At doon niya nakita ang bagong dating na si Bridge. Pumasok ito at isinara ang pinto.

"Your highness, I heard that you were absent in all of your classes today. And you stayed in the clinic." Bungad ni Bridge. May bahid ng pag-aalala ang mukha nito. "Pinuntahan kita pero tulog ka. Are you okay?"

"Nah, it's fine, Bridge." Umiling-iling si Mirae upang i-assure ang kausap. "I'm fine. Don't worry."

"Are you sure?" Muling tanong ni Bridge. Nakatingin na ito sa kamay ni Mirae na may bandage.

Nang ma-realize kungsaan nakatingin si Bridge ay agad na itinaas ni Mirae ang sariling kamay at iwinagay-way ito upang i-emphasize na okay lang ito "This is nothing. It's all good na. Good as new...you know what I mean."

Nagpalitan ng makahulugang tingin ang dalawa. Si Mirae ang bumasag ng katahimikan na saglit na namayani sa pagitan nila.

"I have a more important question." Ani ni Mirae. "Do you know the person I saved from the stone? That black-eyed guy. I want to know who that person is."

Sigurado si Mirae na madali lang malalaman ni Bridge kungsino ang lalaking iniligtas niya mula sa bato. May CCTV kasi sa parking lot. And kapag may CCTV, automatic kayang- kaya itong i-access ni Bridge.

"Hmm." Maagap na tumango si Bridge. "Noted, your highness."

Napatingin si Mirae sa kawalan.

Muli na namang sumagi sa isipan niya ang lalaki.

Habang inaalala niya ang lalaking iyon at ang mga mata ng lalaking iyon, ay hindi niya maiwasang maalala ang naramdamang takot. Those eyes she saw and those chills she felt are all familiar to her.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHE'S THE CAMPUS PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon