Hello Guys !
Salamat sa pagbasa nitong story ko !
Sana magustuhan niyo !
Sorry sa mga typographical errors ! xD******
Third Person's POINT OF VIEW
Isang babae ang nakaupo sa upuan habang nakagapos . Sigaw siya ng sigaw dahil sa sobrang sakit at sobrang takot . Halos maging kulay pula na ang kulay puti niyang uniporme dahil sa dugo .
Isang lalaki ang nakatayo sa likod niya habang may hawak na lagari .
"Hindi ko akalaing ikaw ang makakagawa nito sakin . Walang hiya ka ! Mapunta ka sana sa Impyerno Hayup ka !"Ngumiti ang lalaki saka nanilapitan pa ito . Ginamit niya ang lagari at sinimulang hiwain ang kaliwang kamay niya .
"Arrggghhhhh ! Tama na ! Hindi ko na kaya ! Please ! Ayoko na !"
Sinunod naman ng lalaki ang kanang kamay . Mangiyak ngiyak at sigaw na ng sigaw ang babae . Halos mapaos na'to kakasigaw . Pero parang walang naririnig ang lalaki . Umalis saglit ang lalaki at kinuha ang isang kandila na siyang tanging nagbibigay liwanag sa napakadilim na kwartong iyon . Idinilat niya ang mata ng babae at sinimulang tuluan ng napakainit na wax ng kandila .
Walang magawa ang babae kundi ang sumigaw sa sakit . Gusto niya nang wakasan ang kaniyang paghihirap .
"Patayin mo na ako please ! Hindi ko na kaya !" Pagmamakaawa ng babae. Hinang hina na ito dahil sa daming dugong nawala sa kaniya .
Tawa ng tawa ang lalaki . Parang sobrang saya niya habang pinapatay ang babae . Parang napakagandang musika ang sigaw ng kaniyang pinapatay . Kumuha siya ng kutsilyo.
"As you wish" itinutok ng lalaki ang kutsilyo sa leeg ng babae at ginilitan ito . Sumirit ang dugo sa leeg ng babae at tuluyan na itong namatay .
"Wag kang mag-alala Thania . Simula pa lang ito ng paghihiganti ko . See you sa impyerno !"
*****
Krystal's POINT OF VIEW
"William Academy ." bulong ko sa sarili ko habang pumapasok sa gate dito sa bagong school na papasukan ko . Dito sa William academy . Gaya ng dati kong school , alam kong puro brats ang mga nakatira rito . Katulad ng Norman High , pinatatakbo rin ng pera ang eskwelahang ito .
Nagsimula na akong maglakad . Ramdam kong maraming nakatinging estudyante sa'kin . Ngayon lang ba sila nakakita ng transferee ?
Ayon sa schedule ko , English ang unang subject na papasukan ko . Building no. 3 room no. 209 .
"Miss . Saan ang building 3 rito?" tanong ko sa babaeng guard .
"Diretsuhin mo lang diyan then kumanan ka . Makikita mo rin na may nakasulat na Building 3 roon."
Haaaay ! Kung pwede lang sana na hindi na lang ako pumasok . Mayaman naman kami . May-ari kami ng isa sa mga 5 star at pinakaexclusive na hotel dito sa pilipinas . So bakit ko pa kailangang mag-aral di ba ?. Hindi rin kasi pumayag ang tatay ko ana maghome study ako . Kailangan ko raw magkaroon ng mga kaibigan . Kaibigan ? Mga peke naman ang mga tao ngayon .. Wala kang ibang mapagkakatiwalaan kundi ang sarili mo .
Dumiretso na ako sa Building 3 at nakita ko rin naman agad ang room ko . Sa kasamaang palad naroon na ang english teacher at naglelecture na .
Pumasok na lang ako sa loob .
"Ms Forte ?" tawag sakin ng magiging english teacher ko . "You're 10 minutes late ."
"Eh ano ngayon?" pagtataray ko sa kaniya sabay irap . Tumahimik na lamang siya at nagtuloy-tuloy na rin sa paglelecture . Sabi ko na nga ba . Mas matataas ang mga estudyante rito kaysa sa mga guro . Tila ba hawak ng mga estudyante ang leeg nila .
BINABASA MO ANG
Black Cat
Mystery / ThrillerAng wattpad story ko na Black Cat ay isang Mystery/Thriller/Suspense story and at the same time , Romance . Sana magustuhan at subaybayan niyo ! Kamsa ! :D