Here's the update !
Yipeeeeh ! Hahaha xD .
*****
HAYLEEN'S POINT OF VIEW
Nandito ang lahat ng Section B sa loob ng classroom bukod lang sa iilang absent at mga nagsi-cutting . Sino naman kaya ang gagawa ng ganun kabrutal na pagpatay kay Thania ?
Base sa oberbasyon ko, napakabait at magalang na tao ni Thania . Hindi siya mahilig makipag-away . Nakikipag-away nga lang ata siya kapag may umaaway sa bestfriend niya na si Hannah .
Parehas kaming nasa Campus Princesses ni Thania . Limang Campus Prince at Princesses kasi ang kinukuha ng school na ito . Then 25 na Campus Brains na kasali rin si Thania . Siya ang Salutatorian ng 4-B eh . Kaya siguro maraming naiinggit at naiinsecure sa kaniya , pero sa umabot sa brutal na pagpatay ? Grabe naman ang gumawa nito . Napaka walang puso .
"Anong iniisip mo ?" Biglang tanong ni Krystal . First time akong kausapin nito ah . Laging ako ang nagoopen ng topic namin para hindi maging awkward eh .
"Ah eh . Wala naman . Tara punta tayong canteen !" Pagaaya ko . Napansin ko kasing mag aalas dyis na at hindi pa kami kumakain . 10 minutes na lang at tapos na ang recess .
Naglakad na kami papuntang canteen .
"Sa tingin mo ba , prank lang talaga yung texts kanina ? Paano kaya nalaman ng sender and number ko ?" Biglang tanong ni KrystaL .
"Oo naman ! Wag mo na yung alalahanin . Siguradong prank lang yun . Sino ba namang sira ulong gagawa ng ganung bagay?" Biglang singit ni Dale . Andito pala siya ?
"Oh ? Andito ka pala Dale? Hindi ka namin napansin ah ?" Sabi ko sa kaniya .
"Oo nga . Bigla ka na lang sumisingit sa usapan eh hindi ka naman kinakausap ." pagtataray ni Krystal sa kaniya na ikinatigil naman ni Dale . Hahaha . Kanina pa talaga ako natatawa sa dalawang ito . Parang may something sa bestfriend ko at sa new bestfriend ko ah .
"Im sorry . Pero si Hayleen po ang kausap ko at hindi ikaw ! Bleeh !" Sagot naman ni Dale kay Krystal . Nakakatawa talaga tong si Dale kahit kailan . Para siyang bata kung kumilos .
"Whatever !" Sabi ni KrystaL at nauna nang pumasok sa canteen .
Umupo kami sa vacant table . Table na laging nagiging vacant dahil sa hindi talaga ito inuupuan ng mga Junior at iba pang year levels . Mapapansin mo ring karamihan sa kumakain sa paligid ng table na ito ay puro babae . Nirereserve kasi nila itong upuang ito para makita nilang lahat si Dale . Napakahearththrob talaga nitong bestfriend ko haha .
Magmula ng magtransfer ako dito sa school ay siya na ang naging kaclose ko . Medyo may pagkamayabangat may lagkamahangin ako pero ayos lang yun para kay Dale .
"Kita mo yun ? Sabi ko sayo bitch ang babaeng yun eh . Kung makalapit siya kay Dale kala mo kung sino . Eh transferee lang naman siya" Narinig kong bulong nung isa sa mga fans ni Dale .
Lalapitan na sana sila ni Krystal pero pinigilan ko siya . Baka kasi mapaaway pa siya at kung ano pang mangyari .
Umupo na lang uli si Krystal pero ramdam kong nakikinig at naiirita pa rin siya dun sa mga nagbubulung-bulungan sa tungkol sa kanila ni Dale .
Maya-maya , tumayo si Dale nangnakasimangot ang mukha .
"Tara na nga Krystal . Andaming mga chismosa rito ." Sabay hila kay Krystal . Parehas kaming nagulat ni Krystal sa ginawa ni Dale .
"Oh my gosh ! Hinawakan ni Dale my loves yang impaktang babaeng yan?"Sigaw nung isa ring babaeng fan ni Dale . Halos umarte pa siyang parang mauubusan ng hangin at hindi makahinga . Wow ah ? Tinalo pa ako bilang best actress ?
BINABASA MO ANG
Black Cat
Misterio / SuspensoAng wattpad story ko na Black Cat ay isang Mystery/Thriller/Suspense story and at the same time , Romance . Sana magustuhan at subaybayan niyo ! Kamsa ! :D
