Do not seek death . Death will find you .
–———————————————x
KRYSTAL'S POINT OF VIEW
Hindi ko alam pero nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad patungong ospital . Nakiusap kasi sa akin si Dale na pumunta roon . Naospital raw si Hayleen .
Pagpasok ko sa ospital tinanong ko sa nurse kung saan ang room no. 309 .
"Lahat ng rooms dito , may three numbers . Ang unang number ay kung anong floor . Ang ikalawa hanggang ikatlong number naman ay kung pang-ilang room . Bali makikita mo siya sa 3rd floor . " Tumango naman ako at nagsimula nang maglakad . Buti naman at may elevator ang ospital na to . Pagdating sa 3rd floor ay sinimulan ko nang tumingin tingin sa mga pinto at hinanap ang room no. 309 . Hindi naman ako nahirapan hanapin yun .
Kumatok ako . "Pasok!"
Pagpasok ko ay nakita ko si Hayleen na nakahiga sa kama habang mahimbing na natutulog . Naroon rin ang mama niya na siyang nagpapasok sa akin .
"Oh iha . Ikaw ba ang kaklase niya?" Tumingin sakin ang mama niya sabay ngumiti .
"Opo . Ako nga po pala si Krystal ." Pagpapakilala ko sa kaniya .
Nasaan na ba si Dale ? Dapat kasi nagsabay na lang kaming magpunta rito . Ang awkward kaya kapag magulang ng kaklase mo ang makakasama mo rito .
"Oh sige iha . Dumito ka na muna ah . May pupuntahan muna ako saglit ." sabi ng mama niya sabay umalis ng kwarto . Haaay salamat ! Umupo ako dun sa upuang ginamit ng mama ni Hayleen .
Dahil sa pagkabagot kinalikot ko muna yung celphone ko . Maya maya , nagtextsi Dale .
From : Dale
Nandito na ako sa Elevator . Paakyat na ako diyan .
Haay salamat at parating na siya .
Pagkadating niya , sinamaan ko agad siya ng tingin . Umiwas na lang siya ng tingin at sinilip si Hayleen .
Naghintay kami ng ilang minuto sa ospital . Maya-maya , napansin kong dumidilat na ang mga mata ni Hayleen .
"Hayleen ! Hayleen ! Tawag sa kaniya ni Dale . Tinawag namin ang doktor para konsultahin ang kalagayan niya .
"Ayos ka lang ba iha ? May masakit ba sa'yo?" Tanong ng doktor sabay tapat ng ilaw ng flashlight sa mata niya .
"Nasaan ako ?"
"Nandito ka sa ospital . Dinala ka dito matapos kang makita ng guard kagabi na nakahandusay sa may parking lot" saad ni Dale .
Biglang nanlaki ang mga mata ni Hayleen . Tila takot na takot ito . Bigla siyang nagsisisigaw at pilit na kumawala .
'Tulong ! Tulungan niyo ako ! Ayoko pang mamatay please ! Tuloooongg !
Agad siyang inawat ng mga nurse pati ni Dale samantalang naroon ako at nagtataka . Anong nangyayari sa kaniya ?
"Tulungan niyo ako ! Papatayin niya ako !" Mangiyak ngiyak na sigaw ni Hayleen habang nagwawala .
Papatayin ? Nino ?
"Eto na po doc" May ibinigay na parang injection yung kararating lang na nurse dun sa doktor . Itinurok nila iyon kay Hayleen at tuluyang kumalma ito . Tranquilizer ?
"Anong nangyari Hayleen?" Tajong ni Dale sa kaniya . Puro iyak lang ang tugon nito kay Dale .
"Gusto niya akong patayin" -Hayleen
BINABASA MO ANG
Black Cat
Mystery / ThrillerAng wattpad story ko na Black Cat ay isang Mystery/Thriller/Suspense story and at the same time , Romance . Sana magustuhan at subaybayan niyo ! Kamsa ! :D
