Chapter 3 : Rivalry

36 1 0
                                    

***

The fear of death follows from the fear
of life. A man who lives fully is
prepared to die at any time.

- Mark Twain

-----------------------------------------------------x

Hannah's POINT OF VIEW

Ako si Hannah Real . Anak ng isang napakasikat na Fashion Designer at isang chef . Pero baliwala ang lahat ng iyon . Simula ng mamatay si Thania , hindi ko na alam ang gagawin ko . Bakit siya pa ? Andaming napakasamang tao diyan . Mas deserve nilang mamatay kaysa sa bestfriend ko .

Magkasama kaming lumaki ni Thania . Lagi pa nga niya akong binibisita sa bahay namin at binibigyan ng laruan . Mga barbie , lutu-lutuan . Kaso laging pangalawa lang ako sa puso niya . May napupusuan na siyang lalaki . Alam ko , mahal pa rin niya ito hanggang ngayon .

Nakakainis at nakakairita! Lagi na lang yung lalaking yun ang bukambibig niya sakaling nagkikita kami . Naalala ko tuloy nung mga bata pa kami .

~Flashback~

"Thania ! Thania ! Kamusta ka na ! Antagal mo nang hindi nakadalaw rito ah ."

"Oo nga eh . Andami ko kasing ginawa sa school nitong mga nakaraang araw . Alam mo ba , nagkasalubong kami ng crush ko sa school . Yung nagtanggol sakin nung inaaway ako nung mga brat na girls dun ! Hihihi ."

"Ayan ka na naman . Iniistalk mo na naman yang lalaking yan . Baka mamaya , kalimutan mo na ako ah . Lagi na lang kasi siya ang bukambibig mo kapag magkausap tayo eh ."

"Hindi ako stalker ano ! Secret admirer tawag sakin ! At Ano ka ba ! Siyempre ikaw pa rin ang bestfriend ko . Pero alam mo ba , malapit na siyang pumunta ng ibang bansa . Nakakalungkot nga eh"

~End of FlashBack~

Doon gumuhit ang ngiti ko ng umalis papuntang ibang bansa ang lalaking pinakamamahal niya . Ang akala ko , ako na ang magiging number 1 sa puso niya . Pero hindi pala . Nagkamali ako . Pansamantala lang pala ang pangunguna ko sa puso niya .

Sa William Academy kami pumasok ni Thania dahil nga sa isa itong exclusive school . Siguradong may makukuha kang trabaho sakaling dito ka grumaduate .

Parehas kami ng section . Lagi ko siyang tinitingnan . Binabantayan . Inaaway ko pa nga lahat ng taong lumalapit sa kaniya . Gusto ko akin lang siya . Ako lang dapat ang best friend niya . Ako lang at wala nang iba pa .

Pero may napansin akong may tinitingnan siya sa may bandang unahan . Tiningnan ko rin kung ano iyon .

Hindi maaari ! Hindi pwede ! Bakit ? Halos napayukom na ang kamao ko dahil sa nakita . Aagawin na naman niya sa Thania sakin . Aagawin na naman niya ang pinakaiingatan kong best friend .

Gumuhit ang ngiti sa mukha ni Thania . Ang saya niya ng makita muli ang lalaking hinahangaan niya . Galit na galit ako nung mga araw na iyon . Naisip ko na kung ano ang mangyayari . Magiging pangalawa na naman ako .

Hindi pwede ! Hinding hindi pwede ! Hindi mo siya makukuha sa akin . Akin lang si Thania . Makikipaglaban ako kahit sa papaanong paraan pa . Hindi mo siya maaagaw sakin , Dale Young !

HAYLEEN'S POINT OF VIEW

"Cge mauna ka na . May kukuhain pa kasi ako sa locker ko eh ." Pagpapaalam ko kay Dale at nagpunta na sa locker room . Kinuha ko yung notebook ko sa science dahil gagawa ako ng project mamaya .

Napansin kong madilim dilim na rin pala ? Nakakatakot rito . Parang feeling mo bawat galaw mo , may nakatingin sayo . Mayamaya , nakarinig ako ng ingay .

Black CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon