*****
" I haven't relied on luck since the instant I was born. Everything has been the result of my choices. That is what leads my existence towards the future. "
- Kagura Mikazuchi
--------------------------------x
KRYSTAL'S POINT OF VIEW
Umuwi na ako sa bahay . Nagvolunteer si Dale na babantayan muna si Hayleen dahil sa ayaw nitong mag-isa . Sino kaya ang sender nitong mga messages na natatanggap namin ?
Pumasok na ako sa bahay at sinalubong ako ni Aling Teressa , yaya namin .
"Oh iha . Kumain ka na ba ?" Tanong niya sakin . "Ipagluluto na kita ng paborito mong adobo."
Tumango lang ako . Masyadong nakakapagod sa William Academy kahit na dalawang araw pa lang ako rito . Parang pakiramdam ko , kakaibang school ito kumpara sa mga napasukan kong school .
"Aling Teressa , pakisabi nga po pala kay Dad na ipaayos na yung security cameras sa bahay ."
Pagtapos kumain ay agad na akong pumasok sa kwarto ko . Binuksan ko ang bintana para pumasok ang hangin sa labas . Mas gusto ko kasi ang hangin galing sa kalikasan kesa sa aircon .
Pagsilip ko sa bintana , may napansin akong tao sa may di kalayuan . Nakashades ito at nakatingin sa'kin . Napakalalim ng tingin niya . Bumaba ako para alamin kung sino yung nakatingin sakin kanina . Paglabas ko ng gate , nakita kong walang tao sa kaninang tinatayuan nung lalaki .
Hindi pa rin ako sumuko at pinuntahan ko pa rin iyon kahit na medyo maggagabi na . Andilim na sa paligid pero dala ng kuryosidad , gusto ko pa ring malaman kung sino ba talaga yung lalaki .
"S-sinong nandiyan !" Sigaw ko pero tila walang sumasagot . Lumakad pa ako ng konti . "May tao ba diyan?"
Parang wala na talagang tao . Naghintay ako ng mga isang minuto pero wala pa rin talaga . Nakakapagtaka . Umalis na siguro nung nakitang pupuntahan ko siya .
Pagtalikod ko , bigla na lang may tumakip sa bibig ko . Hindi ako makasigaw dahil sa takip niya sa bibig ko . Hinila niya ako papunta sa mas madilim na parte ng kalye.
Caleb's POINT OF VIEW .
"Ang bigat mo pala ?" Sabi ko kay Krystal . Ang bigat naman niya talaga eh . Nahirapan nga ako na ipapunta siya sa may madilim na parte ng kalye . Buti na lang at kinaya ko . "Ilang kanin ba ang kinakain mo kada araw ?"
"Eh g*go ka pala eh ! Alam mo bang halos atakihin na ako sa puso dahil sa ginawa mo !!!!!!!!!!" Galit na galit na tanong niya . Hahaha . Ang saya palapikunin ng isang to . Ang sungit kasi sa school eh .
"Sorry naman hahaha !" Napakamot na lang ako ng ulo .
"Di ba classmate kita ?" Tanong niya . Ngayon lang niya napansin .
"Ah oo . Oo nga pala . Hindi pa ako nakakapagpakilala . " Sabi ko sa kaniya . Bumuwelo ako at ipinakilala ang aking sarili . "Ako si Caleb Helix . Anak ng may-ari ng Helix Group of Company . President ng 4-B . Ikaw ?"
"Krystal . Krystal Forte." Matipid na sagot niya . Wala ba siyang ibang sasabihin ? "By the way , ano nga palang ginagawa mo rito?" Tanong niya.
"Binabantayan ka . " Oo . Binabantayan ko siya . Sasabihin ko ba kung bakit ? Haissst ! Bahala na nga !
"Binabantayan ? Binabantayan saan?" Tinaas niya ang kaliwa niyang kilay .
BINABASA MO ANG
Black Cat
Mystery / ThrillerAng wattpad story ko na Black Cat ay isang Mystery/Thriller/Suspense story and at the same time , Romance . Sana magustuhan at subaybayan niyo ! Kamsa ! :D