Chapter 9 : She comes back

19 0 0
                                    

-------------------------------------------------x

Sapphire's POINT OF VIEW

Inihatid na ako ni Caleb pauwi . Napakasakit pero kailangan kong maging matatag para sa kaniya . Para kay Cassandra . Sisiguraduhin kong magbabayad ang gumawa sa'yo nito Cassandra . Sisiguraduhin ko yan .

Napatigil ako nang makita ko si Hayleen na kasama si Krystal . Papasok sila sa bahay ni Hayleen . Kung tama ako , nasa 4-B lamang ang pumatay kay Cassandra . At ikaw Hayleen , nangunguna ka sa pinaghihinalaan ko .

Tumingin na lang ako sa harap at di na sila pinansin . Katahimikan lang ang bumalot sa loob nitong sasakyan .

Maya-maya , nakarating na ako sa bahay namin . Sigurado wala na namang tao dito. Ano pa nga bang aasahan ko ? Lahat sila nasa ibang bansa . Palibhasa si Alison lang naman ang pinahahalagahan nila .

Kinuha ko ang susi ko sa bag . Binuksan ko ang main gate at pumasok na . Teka . . . Bakit nakabukas ang ilaw ? Parang may tao sa loob ? Dahan dahan kong binuksan ang main door ng bahay . Hindi ko inaasahan kung ano ang makikita ko .

Naroon sila papa at masayang nagdidinner.

"Mama ? Papa ?" Masaya ako dahil nandito sila . Ilang buwan na rin ng huli silang dumalawa rito . Pero ng makita ko siya , biglang napalitan ng galit ang nadadama ko . Bakit nandito siya ? Hindi pwede !

Tumayo si papa at kinausap ako .
"Siya nga pala . Napagdesisyunan naming dito na nga pala muling mag-aaral ang nakababata mong kapatid ." Sabi ni papa at tumingin sa kaniya .

"Miss me Sapphire ?" Sabi niya at nagbigay ng isang napakalaking ngiti .

"Alison ???"

~*~*~*~*~*~*

Dale's POINT OF VIEW

"Nabalitaan mo na ba ? Dito na daw uli mag-aaral si Alison ! Yung kapatid ni Sapphire !" Rinig na rinig ko ang pag-uusap ng mga taong nadadaanan namin. Bakit ba andaming tsismoso sa school na to? Tss ! Mga gossip girls .

Pero . . . Totoo kaya ? Babalik na si Alison ? Mukhang hindi na naman makakatulog si Sapphire nito .

"Daleeeeeee !!!!!!!" Biglang may tumawag sa pangalan . Paglingon ko , si Hayleen lang pala . "Dito na daw mag-aaral si Alison ah ?"

"Eh ano ngayon ?" - ako

"Ayos ka lang ?" - Siya

"Bakit naman ako hindi magiging okay?" Sinagot ko ng tanong ang tanong niya . Nginitian niya na lang ako .

"Alam kong alam mo kung anong ibig kong sabihin Dale !" Sabi niya at inunahan na ako sa paglalakad . Haaay ! Ang kulit talaga nitong si Hayleen .

Derederetso na akong nagpunta sa classroom ko . Wala pang gaanong tao at wala pa rin yung teacher . Tumingin ako sa relo ko .

"8:45 pa lang pala ." Alas nwebe pa naman ang first subject kaya't umupo na lang muna ako at isinaksak sa tenga ko ang earphone .

Now Playing : Sexy Free and Single by Super Junior .

Haaay ! Ang sarap talagang makinig ng music . Nakakatanggal ng stress at pagod. Parang kahit saglit sa buhay mo , nakalimutan mo ang mga problema .

Maya-maya , dumating na yung teacher . Itinago ko na rin muna yung cell phone ko sa bulsa ko .

"Good Morning class ."

"Gooooodddd Moooorrrrnniiiinnnggg Ms. Flores ." Bati namin . Haaay ! Kahit 4th year na , pang grade 1 pa rin ang paggreet namin Haha .

Napansin kong kakaunti lang ang pumasok ngayon . As in napakakonti talaga . Halos kalahati ang wala ngayon dito sa classroom .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Black CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon