Chapter 7 : Game of Death

26 0 0
                                    


Caleb's POINT OF VIEW

Kinabukasan . . . . . . .

"Pumila kayo ng maayos ano ba ? Makakapunta tayo roon ng 'di nagkakagulo ." Pinapila na kaming lahat ni Sir Calix papuntang English room . May ipapanuod raw sa aming video na kaugnay ng next lesson namin .

Haaaay Salamat ! Mas maganda na rin doon sa English room . Hindi kasi katulad ng class room namin , de aircon ang English room. Buti na lang at hindi naman masyadong strikto si Sir Calix . Minsan pa nga , natutulog na lang ako sakaling may pinapanuod siya sa aming video eh . Haha. Kahit pa president ako , paminsan minsa'y tinatamad rin naman ako mag-aral . Naghahanap rin ang katawan ko ng pahinga kahit papaano  .

Dumating na kami sa English room . Pinaupo kaming lahat sa kaniya kaniyang seats . Napansin kong walang nakaupo sa upuan ni Cassandra . Absent siya ? Nakakapagtaka naman . Di bale . Matalino naman yung babaeng yun kaya't sigurado akong makakahabol agad siya . Bibisitahin ko na lang siya mamaya .

Sinimulan nang isaksak ni Sir ang USB sa laptop niya . "Ganito ba yung itsura ng USB na ibinigay sa akin ni Ma'am Enderson kanina ?" Pagtataka niya . "Bakit po sir?" Tanong ko sa kaniya . Malapit lang kasi ang inuupuan ko sa desk niya kaya't kahit moderate lang na voice ay kaya ko siyang kausapin . "Sa pagkakaalam ko , kulay pula ang kulay ng USB na ibinigay ni Ma'am Henderson kanina . Pero ngayon , itim . Nakakapagtaka naman ?" Oo nga . Mahilig talaga si Maam henderson sa Red . Pero bakit naging itim yung USB ? Imposible naman yun .

"Hay ! Hayaan mo na nga ! Nagkamali lang siguro ako ." Isinaksak na niya ang USB at hinanap ang file name .

"Teka ? Wala namang file name dito na Africa ha ?" Napansin namin na walang may file name na africa roon . Iisa lang din ang tanging file na naroroon .

"Cassandra?" Pagbasa ko sa file name . Ano to ? Bakit Cassandra ang file name nito ? Hindi ba dapat Africa ? Galing ba si Cassandra dun ?

Kinlick ni Sir Calix ang file at may lumabas na video . Dahil sa nakaprojector ang laptop , kitang kita ng buong 4-B kung anong nasa video .

"Si Cassandra yan ah !" Sigaw ng mga classmate ko .Video ni Cassandra ang lumabas . Nakakulong siya sa isang maliit na aquarium . Hindi pwede ! Anong ginagawa niya diyan sa video ?

Halatang takot na takot at nag-aalala na rin si Sapphire . Mag best friend kaming tatlo kaya't hindi mo kami masisisi . Kung sino mang manakit kay Cassandra , hinding hindi ko siya mapapatawad . Kamumuhian ko siya buong buhay ko .

"Cassandra !" Sigaw ng sigaw si Sapphire habang umiiyak .

"Aaaaaahhhhhh !" Nagulat ako ng magsigawan ang mga kaklase ko . Pagtingin ko sa screen , nakita kong may lumalabas na tubig . Pakonti konti lang ang tubig pero unti unti nitong pinupuno ang aquarium .

"Sino yan !" May taong lumabas mula sa may bandang likuran ng video recorder . Nakamaskara siya kaya't hindi namin maaninag kung sino siya .

"Magpakilala ka g**go ! " Napamura na lang ako . Hindi ko kayang makita si Cassandra na naghihirap . Sigaw siya ng sigaw pero hindi namin siya marinig . Walang sound ang video .

Lumayo ang taong nakamaskara at lumapit siya sa may parang black board . Inilapit niya rin ang camera para makita namin kung ano mang isusulat niya .

Time of Death ~ 6:15 PM
If you want her to live , join my game and follow my rules . Answer the first riddle and you can go to the next stage . Only three people can go .

Black CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon