Third Person's POINT OF VIEW
Ang pinakamayaman , pinakakinaiinggitan ng lahat . Pinaka maganda sa buong school at pinaka popular . Ang Campus King at ang Campus Queen .
Simula nang lumipat ng ibang school ang dating Campus King , hindi pa ito napapalitan . Pinagpipilian pa kung si Dale Young ng Section 4-B o si Kurt Simon ng Section 4-A . Halatang mas maraming boto kay Dale Young 'pagkat mas angat siya pagdating sa popularity . Napakarami rin niyang fan girls . Pero nang mamatay ang dating Campus Princess na si Thania Salvador , maraming nagalit sa 4-B maging kay Dale Young . Malamang ay nakangiti na si Kurt Simon dahil sa malapit niya nang matalo si Dale Young . Konti na lang . Konting konti na lang at malalamangan na niya ang dati pang laging tumatalo sa kaniya .
Sa kabilang banda , si Dale Young pa rin ang pinaka-angat sa buong William Academy . Bakit ? Dahil sa kaibigan niya at kaklase ang tinaguriang The Reigning Campus Queen , si Sapphire Payne .
Siya ay anak ng isang billionaire at may-ari ng Payne Group of Company na si Theodore Payne . Sikat ang kompanya nila hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Bukod sa isa si Sapphire sa pinaka-mayaman sa William Acdemy , siya rin ang pinaka-sikat sa lahat . Tinitingala ng mga babae at hinahanap hanap ng mga kalalakihan . Maganda , maputi , makinis na balat at idagdag mo pang may magandang hubog ng pangangatawan .
It girl kumbaga . Laging sunod sa uso . Mataas ang sense of Fashion . Mataas ang confidence sa sarili .
Pero kahit na maraming lalaking nagkakagusto at nanliligaw sa kaniya , hindi niya ito sinasagot . Isa lang ang taong nagmamay-ari sa puso niya . Isa lang . Pero kahit na napakaganda at napakapopular niya , hindi siya nito pinapansin . Kahit na ang buhay niya ay ang uri ng bahay na pinapangarap ng karamihan , para bang para sa kaniya , kulang ito kung wala ang pinakamamahal niya .
Sapphire's POINT OF VIEW
Ayon kay Cassandra , puntahan ko raw si Hayleen sa ospital . Kung ano mang makita or mapansin kong kakaiba ay iparating ko kaagad sa kaniya .
Magkakabarkada kami nila Cassandra at Caleb , pati na rin si Alison na kapatid ko . Simulang mag-aral kami rito , kami na ang magkakaibigan . Kaso , umalis na si Alison at nag-aral sa ibang bansa . Buti na lang . Dahil kahit kailan , hindi ko siya ituturing na kapatid ko .
Ilang oras na rin akong naririto sa ospital . Dapat kasi nagpakuha na lang si Cassandra ng body guard eh . Kahit na isang libong body guard pa kaya kong bayaran . Kaso mas maganda raw kung walang taong maiinvolve rito bukod sa section 4-B .
Para hindi ako mapansin agad nila Hayleen , nagpasadya pa talaga ako ng nurse uniform . Paano ko nagawa ? Siyempre pera lang ang kailangan . Umiikot ang mundong ito sa pera . Kung wala ka nun , wala kang kwenta . Binayaran ko lang yung mga staff ng ospital na to para bigyan ako ng uniform na pang nurse .
Bumagay naman sakin yung uniform . Ang sexy pa nga tingnan dahil medyo maikli lang yung pambaba kaya't kitang kita ang makinis kong hita .
2 PM na pala . Papunta na ako sa room nila Hayleen nang may masagi ako na lumikha ng hindi naman gaanong malakas pero sapat na para marinig sa room nila .
Naging kampante ako na baka tulog na sila at wala namang nakarinig .
Biglang may lumabas sa kwarto . Si Dale . Narito pala siya ? Dali dali akong tumalikod para hindi niya ako makita . Naku ! Baka lapitan pa ako nito at makilala ako .
Naramdaman kong bumalik na siya sa kwarto . Ang talas naman ng pandinig ng mga yun ?
Naghintay ako ng ilang saglit . Nagbabakasakaling baka makatulog na silang dalawa . Unti unti akong sumilip sa may pinto .
BINABASA MO ANG
Black Cat
Mystery / ThrillerAng wattpad story ko na Black Cat ay isang Mystery/Thriller/Suspense story and at the same time , Romance . Sana magustuhan at subaybayan niyo ! Kamsa ! :D
