Chapter9: Trigger

10 3 0
                                    

                               ***

Today, we're in the woods. Sabi ni Massimo ay kailangan kong ihanda ang katawan ko. Para kapag nailabas ko na daw ang kapangyarihan ko'y hindi na ako manghihina. Medyo natawa ako kanina kasi wala naman talaga akong powers. Pwede naman kasing diretsyong hanapin na namin ang ina ko. Sinabi ko iyon sakaniya but he just said that it's inappropriate, baka daw wala pa kami sa kalahati ng paghahanap namin sa ina ko'y tigok na ako.

He asked me about my mom, and what kind of nymph she was , i said that she's the protector of the forest back in my fathers hometown.

"Castor! Anong gagawin ko sa mga bato't sangang ito?"

"Don't call me on my second name, it's disgusting."

"Whatever. Ano bang gagawin ko dito?"

"Kainin mo." nakataas ang kilay niyang saad. Kainin? E kakakain lang namin ng almusal.

"Seryoso ka ba? Hindi naman ako gutom eh."

"Argh! Gawin mo yung ginawa mo noong isang gabi. Make it float in the air."

I scratched my head "H-how?" i asked.

"Just focus Avyanna, clear your mind and thoughts and just focus on your task."

"Tsk.Fine." i said then rolled my eyes. Umalis na din siya at hinayaan akong nagiisa sa kakahuyan. I don't know how to make these foreign objects float. Maybe i should ask Thalia? Baka may alam siya about sa mga ganito.

"Thalia?" i uttered in a distinct voice. She pops up from nowhere then beamed, revealing her white pair of teeth.

"Yes, master?!"

"Can you help me?, hindi ko alam kung paano ko ulit mapapalutang ang mga ito."

"Uhm...you should think first about, what triggers you to make those stones and debris float unto the air. Diba nasabi mong sobra kang nagalit noong gabi kaya hindi mo namalayang lumabas na ang kapangyarihan mo? Try mo ulit magalit."

"Thalia...hindi madali ang sinasabi mo, sa tingin mo magagalit ako ng walang dahilan?" tumuwid ako sa aking pagkakaupo at tinitigan ang nasa harapan ko. Paano ko ba ito mapapalutang? Nawala ako sa pagiisip ng nagsalita si Thalia.

"Master pansin ko tumataba kana." she said while staring at my tummy. Tinignan ko din iyon at wala naman akong napansing bilbil.

"Talaga? Matagal ko ng pangarap tumaba."

"Tapos parang medyo pumapanget kana."

Kinapa ko ang muka ko "Huh, talaga?"

"Oo master muka kang halimaw."

Natawa ako sa sinabi ni Thalia kaya pinangatawanan ko nang maging halimaw "Rawr! Kakainin kita pati si Oran!" sigaw ko sakanya habang hinahabol sila na lumilipad na papalayo sa akin.

"Ginagalit kita master, dapat magalit ka!" sigaw niya saakin pabalik. I crossed my arms against my chest, i raised my right eyebrow then laughed.

"Ginagalit mo ako? Parang hindi naman."

"Paano ba natin mapapala--"

"Thalia!" i shouted. Before she could ever move my hand wave on its own na para bang may sarili itong buhay. Naramdaman ko na naman ang enerhiyang dumadaloy sa aking katawan. Pumulupot sa isang ahas ang mga halaman at baging na naging dahilan ng pagkamatay nito. Muntik na yon a! Agad na lumipad papalapit saakin si Thalia, tila hindi rin makapaniwala sa nangyari. Pinagmasdan ko ang aking kamay at doon ko nakita ang bakas ng aking ugat na nagliliwanag na berde, matingkad iyon at tila isang disenyo na umaakupa sa buong kamay ko.

Not a Perfect TaleWhere stories live. Discover now