***
Nasa kagubatan ako. Madilim at nakakatakot. Iba't ibang nakakakilabot na huni ang aking naririnig. Tanglaw lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanang sa aking tinatahak. Nasaan ba ako?
Nasaan si Thalia? Si Teagan si M-massimo?
"A-avyanna.." tila pamilyar saakin kung kaninong boses iyon at alam ko na hindi ako nagkakamali sa aking hinuha.
Tumakbo ako ng tumakbo. Desididong mahanap kung saan nanggagaling ang boses.
"Massimo! Massimo! Nasaan ka?!" hindi ko na mapigilan ang mapaluha. Kailangan ko siyang mahanap! Iiligtas ko siya! Kailangan ko siyang tulungan!
Napadpad ako sa isang malaking puno. Tila may kakaiba dito. Nakakakilabot, nagtaasan ang balahibo ko sa batok. Napayakap ako sa aking sarili ng umihip ang hangin. Malamig, sobrang lamig.
Mas lumapit ako sa puno ng may mapansin akong nakasabit. Tumutuyan ito sa ere. Mas nilapitan ko ito upang maaninagan ng mas mabuti natumba ako sa nakita!
"A-avyanna..."
Impit akong napasigaw. S-si Massimo! S-si Massimo! Nakabigti siya! Nanlumo ako ng imulat niya ang kaniyang matang lumuluha ng dugo paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ko. Sinabunutan ko ang aking sarili at tinakpan ang aking tenga.
Nakakarindi! Naririndi ako! Napahawak ako sa aking leeg ng biglang sumikip ang aking paghinga. Para akong nasasakal. Hindi ako makasigaw. Tulong..
"Master Avs! Master Avs gumising ka!"
Agad na napamulat ang aking mata. Hinugot ko ang aking hininga na tila ba kaninang kanina ko pa iyon pinipigilan. Tila may nakadag-an saakin kanina. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makasigaw.
Sabay-sabay na bumagsak ang aking mga luha. Si Massimo..kailangan ko siyang puntahan! Nasa gubat siya!
Marahas akong tumayo habang humihikbi muli akong bumagsak sa aking higaan ng biglang mag dilim ang aking paningin.
"Ano bang nangyayari saiyo master? Paulit-ulit kitang tinatawag kanina pero ayaw mong magising. Binangungot ka ata."
"Bangungot?"
"Binuhusan nga kita ng tubig para magising ngunit nanatili ka paring naka pikit. Pilit mong hinahanap si M-massimo master."
Sinuri ko ang aking sarili. Basa nga ako, kaya pala tila nilamig ako kanina sa aking panaginip.
Teka.. p-panaginip lamang iyon?
"Hindi pa patay si Massimo hindi ba?"
"O-oo naman.."
"Tara na hanapin na natin siya."
"Madilim pa sa labas master. Matulog ka muna."
"My conscience won't let me sleep Thalia! I need to do something!"
"B-but.. Master."
"Please. I will die earlier! my nightmares are hunting me!"
Sinuri niya ako ng tingin. Lumapit siya saakin at marahang hinaplos ang aking muka. Punong puno ng pagaalala ang kaniyang sistema at nararamdaman ko iyon, there's no doubt that we're really connected to each other.
"Okay. Fine, pero kailangan mo munang ayusin ang sarili mo. Kung nakikita mo lang ang sarili mo ngayon master manlulumo ka din. You look so weak and miserable. So please, just please...think about yourself too. Your own emotions might control you someday and that's the last thing you want to happen right?"
YOU ARE READING
Not a Perfect Tale
FantasyAvyanna Miliani Morrigan is just a simple girl living in the town of her aunt. Because of her extreme ugliness nobody wants to be her friend and they're even calling her a monster. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ang gandang pumapailalim sa kanya...