Chapter 1 (SPG)

4.2K 41 2
                                    

Third Person

Ilang oras na tulala si Thana sa loob ng kanyang opisina dahil wala siyang magawa. Hindi siya masyadong abala ngayon dahil kakatapos lamang kahapong ilaunch ang bagong produkto nila sa kumpanya. It's a success dahil marami agad ang tumangkilik sa produkto nila pero hindi niya magawang maging masaya at hindi niya mawari kung bakit. Siguro ay namimiss niya ang dating nakagawiang gawin, ang magluto.

She's working in their own company as a Vice President and it's kinda hard to handle it lalo pat isang buwan palang siyang nakapagsimula. Iba kasi ang food industry sa cosmetic and beauty industry kaya medyo naninibago siya. Their company is selling a cosmetic and beauty essentials for both men and women kaya hindi siya masyadong sanay hawakan ang ganitong negosyo. Mabuti na nga lang at mahilig siyang gumamit ng mga pampaganda at kung ano ano pa kaya madali siyang nakaadjust sa trabaho. Tsaka may masters din naman siya sa Business Management kaya madali lang siyang natuto sa mga palakad lakad sa kumpanya.

Wala naman kasing ibang uupo bilang bise presidente ng kumpanya dahil nag-iisang anak lang siya at matanda narin ang ama niya kaya wala siyang nagawa kundi ang tanggapin ito. Matagal narin kasing nawala ang kanyang ina kaya hindi niya pwedeng pabayaan nalang ang ama niya.

They are not the sole owner of the company dahil merong kasosyo ang ama nito at ang Ninong Manuel niya iyon. Gaya nito ay ang anak niya rin ang pumalit sa posisyon nito hindi Vice President kundi bilang CEO and President ng kumpanya.

Siya kasi sana ang magiging presidente pero hindi niya tinanggap dahil alam niyang hindi niya kakayaning ihandle ito. Tama na ang pagiging bise presidente dahil may isa pa siyang negosyong hinahawakan. She has it's own restaurant at bukod sa pagiging business woman niya ay isa rin siyang professional chef. After niya kasing matapos ang business course sa Pilipinas ay pumunta siya sa ibang bansa para naman mag-aral ng Culinary.

Ilang branches narin ng restaurant ang meron siya dito sa bansa at sa iba pang mga bansa. The main branch is in Italy before but because she's now here in the Philippines ay naisipan niyang ilipat nalang dito sa bansa ang opisina niya. Nandoon parin naman ang restaurant niya sa Italy at hinahawakan ito ngayon ng matalik niyang kaibigan na siyang Head Chef din nito.

Nabalik naman siya sa realidad ng may biglang kumatok sa pinto niya. Napatingin muna siya sa relo bago sumagot and its nearly lunch time na pala.

"Come in." sabi nito at pumasok naman ang sekretarya niyang si Sia at lumapit sa kanya sabay bigay ng isang folder.

"Ms. Thana, may papapermahan ko lang po sana."

"Tungkol ba to sa additional production ng bagong product natin?" She asked her secretary

"Opo Miss. Kailangan po kasi muna ng approval niyo at ni Sir Darc." sagot naman nito sa kanya

"Ganon ba. Sige babasahin ko muna at ako na ang bahalang magpaperma nito kay Darc. It's nearly lunch kaya magbreak ka na muna." sabi naman nito sa secretarya.

Mabait siya sa mga empleyado nila at hindi siya gaya ng ibang mga boss na strikto at nambubulyaw ng empleyado.

"Sigurado po kayo miss?" Nginitian naman niya ang secretarya bago sinagot

"Yes. I'll take care of this."

"Ah eh..sige po miss. Magpapabili po ba kayo ng tanghalian?" Tanong ulit ng sekretarya

"Nope. I'll be out for lunch."

"Sige po, mauna na po ako miss." tango lang ang isinagot niya dito at ibinalik ang tingin sa mga papeles. Binasa niya muna ang mga ito at saka pinermahan. Pagkatapos ay kinuha na niya ang bag at saka lumabas ng kanyang opisina dala ang mga papeles.

One Touch to Another (The Secret Love) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon