Chapter 6 (SPG)

2.1K 31 0
                                    


The next day ay sinamahan nga ako ni Cielo sa OB and guess what? Mas kinakabahan pa siya kaysa sa akin! Natatawa nalang tuloy ako sa kanya.

But actually, nagtest na ako sa PT kaninang umaga ng hindi niya alam at don ko napatunayang buntis nga ako. God! I'm really pregnant!!

"Ma'am Thana, kayo na po ang susunod." Sabi ng secretary ng OB ko. Kilala nga pala ako nito kasi pinsan siya ng isa sa staff ko sa restau.

"Thank you Rani." Pagpapasalamat ko naman at pumasok na nga kami ni Cielo sa loob.

The OB done some test to me and inultrasound niya rin ako so ayon nga. Nalaman na rin ni Cielo ang totoo and I'm four weeks pregnant na pala!

"God baby! You make me the happiest man on Earth!! Thank you! Thank You!" Cielo at walang humpay akong hinalikan.

Hindi ko naman maiwasang maiyak sa tuwa dahil sa reaksyon niya. Akala ko noon kapag mabuntis ako hindi niya tatanggapin. Akala ko iiwan niya ako kapag malaman niyang buntis ako but I am wrong..maling mali dahil tuwang tuwa si Cielo. He's really happy knowing that he gets me pregnant.

"Wala ka na talagang kawala sa akin baby." Anito at napatawa naman ako pati narin si Doc.

"Salamat po Doktora."

"Wala yon basta ang bilin ko ah? Mag-ingat tsaka laging kumain ng masustansyang pagkain and take a regular vitamins. Wag ring kakalimutan ang monthly check up okay?"

"Yes doktora. Salamat po ulit." nagpasalamat din si Cielo sa kanya bago kami lumabas.

"From now on ay bawal ka ng magpagod. Hindi ka narin pwedeng pumasok sa trabaho araw araw. Once a week will do." Exagerrated na sabi nito.

"Your overreacting Cielo. Isang buwan palang akong buntis kaya pwede pa akong magtrabaho."

"No baby and thats final. I can't risk your health and the baby. Wag nang mapilit okay?" Napailing nalang ako tsaka hindi na umangal pa dahil hindi rin to matatapos.

"We'll buy your vitamins and your milk first bago tayo uuwi sa bahay. May gusto ka bang kainin baby?"

"I want fruits baby, anything basta prutas." Request ko naman

"Sure, well buy anything you want." sagot naman nito na ikinatuwa ko.

After we bought everything ay umuwi na nga kami sa penthouse ko.

"Baby, I think kailangan na nating lumipat ng bahay. Hindi pwede nandito tayo sa penthouse dahil kapag wala ako ay wala kang makakasama." Cielo said ng nahiga na kami sa kama.

Napaisip naman ako don.

Tama siya, mahihirapan ako kung sakaling lumaki na ang tiyan ko at mag-isa lang ako.

"Saan naman tayo lilipat?"

"I hava another house na nasa katabing subdivision lang ng bahay ni Dad. Gusto mong don nalang tayo?" Aniya kaya tumango naman ako.

"Kahit saan basta kasama kita." I said

"Okay, bukas na bukas din ay lilipat na tayo."

"Sige.. Matulog na tayo baby, inaantok na ako."sabi ko at ginawang unan ang dibdib niya.

"Sleep well my Queen. Goodnight." Huling dinig ko bago ako dinalaw ng antok.

Isang nakakakiliting halik sa tiyan ang nagpagising sa akin kinaumagahan.

Cielo's kissing my tummy at kinakausap pa niya ito.

"I love you little buddy and I can't wait to see you." dinig kong sabi nito na labis na ikintuwa ng puso ko.

One Touch to Another (The Secret Love) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon