Chapter 3 (SPG)

2.8K 35 2
                                    

Pagkatapos naming kumain ay akala ko uuwi na kami pero hindi pala.

"Hey Cielo! Lets go home! Baka hinahanap na ako ni Daddy! I promised him that I'll go home tonight pero paano ko gagawin yon kung nandito ako?" sabi ko dito at sinundan siya sa labas kung saan ang pool area.

"Tinawagan ko na siya kanina and he knows that you're with me." sabi nito na ikinagulat ko.

"What? Sinabi mo kay Daddy na magkasama tayo? Are you insane?" galit kong sabi

"No baby, and don't worry. Your Dad knows what we are doing here. Nagpaalam narin ako sa kanya na sa linggo na tayo uuwi." sabi niya sabay kindat na mas lalong nakapag-inis sa akin!

"D*mn you Cielo! Why did you do that! At sinong nagsabi sayong sa linggo tayo uuwi? I have another business to manage for christ sake!!" Galit kong sigaw at pinaghahampas siya sa dibdib.

"Easy there baby. Hindi naman siguro malulugi ang kung anumang business mo kung mawawala ka ng ilang araw." sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano bang gusto mong mangyari ha Cielo? Ibabahay mo ako?"

"Yes, if thats the only reason for me to be with you." laglag naman ang panga ko sa sinagot niya sakin.

"Gago ka ba Cielo? May girlfriend kang naghihintay sayo baka nakakalimutan mo!" bulyaw ko sa kanya pero inilingan niya lang ako.

"I don't care about her baby..all I need is you." anito

Sh*t naman o! Ano bang nangyayari sa lalaking to? Ako kailangan niya? Bakit? Hindi ba siya kuntento sa girlfriend niya at pati ako dinadamay niya?

I'm not a relationship wrecker but because I let him touch me ay ganun narin ang labas non kahit hindi malaman ni Faith!

"Aren't you contented with Faith at pati ako gusto mong angkinin dahil pinayagan kitang galawin ako kanina? Wala ka na bang mahanap na iba at ako lang ang nakikita mo ngayon?" prangka ko sa kanya.

I like the thought na makakasama ko siya pero tama na ang isang pagkakamali at ayaw ko ng dagdagan. Ayokong makasira ng isang relasyon.

"Yes! Hindi ako kuntento kay Faith kasi hindi niya naibibigay ang binigay mo sakin kanina! She doesn't let me touch her! Never did! Pati halikan siya bawal kaya gumagawa ako ng paraan para makawala sa kanya! She never done any effort for me at ako lagi ang gumagawa. I am trapped Reina. Nakulong ako sa relasyong hindi ko gusto! I like Faith before kaya ko siya niligawan pero hindi umabot sa puntong minahal ko siya.  I never loved a woman at lahat ng nakikita mong pinapakita ko sa kanyaay hindi totoo at palabas lang lahat yon."

"What? Are you serious?" I asked dahil hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya.

"I am serious baby. I feel like I am just a trophy na pangdisplay sa tuwing kailangan ako ni Faith. I just realized it recently kaya tumagal ng tatlong taon ang relasyon namin. I badly want to get out of her life lalo pa at nalaman kong hindi lang ako ang lalaki sa buhay niya."

What? Ang isang Darc Cielo Rowley, ginagawang trophy ng isang hindi kasikatang modelo? Napakuyom naman ang kamao ko dahil sa katotohanang nalaman.

Kaya pala hindi ko magawang ituring na kaibigan si Faith. That scamming bitch! Akala mo kung sinong mabait!

"But why me Cielo? Bakit ako pa ang napili mong maging dahilan para maghiwalay kayo ni Faith?"

"Because your different baby. Bukod sa kilala na kita ay iba ka sa ibang babae. Ikaw lang yung kaisa isang babaeng kinokontra ako. Ikaw lang yung kaisa isang babaeng iniiwasan ako. When I got the chance to get near you ay hindi na kita pinakawalan. Your the only chance I got and I like you baby so please let me be with you for three days habang ginagawan ko ng paraang makawala ako kay Faith." pagmamakaawa niya

One Touch to Another (The Secret Love) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon