Chapter 2

10 1 0
                                    

A-anghel?! A-ako?!

"Oo Paris matagal kana naming pinag mamasdan mula sa langit at ang iyong kabutihan."nakangiting wika ni San Pedro.

"Pero b-bakit po ako?"litong tanong ko, sapat naba ang mga kabutihang ginawa ko para mapili ako bilang Anghel sa langit?

"Si Rold lamang ang makakasagot sayo niyan."kakamot kamot niyang wika.

R-rold?

"Sinong Rold po?"curious na tanong ko.

"Ang tagapaglikha ng lahat."nakangiti niyang wika ulit.

"Ah s-sige po, ano po bang gagawin ko?" Hindi ata matatapos ang mga katanungan ko dahil hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako.

"Sumama ka sa akin patungo sa langit at doon kona ipapaliwanag ang lahat." Sabay lahad niya ng kanyang palad.

Tatanggapin koba? Pero ayoko pang iwan sila Mommy at Daddy pati ang bestfriend ko.

"Alam kong ayaw mo silang iwan ngunit wala kanang magagawa, dahil nakatakda na itong mangyari."pagpapaliwanag niya.

Kung nakatakda nga ito sigurado akong may dahilan.

Kinuha ko ang kamay ni San Pedro.
Huminto muna ako saglit at nilingon ang mga mahal ko sa buhay.

"Goodbye mommy and daddy, Iloveyousomuch please live for me."bulong kong pamamaalam habang tinatanaw sila.

Unti unti kaming pumasok ni San Pedro at ni Manoy sa liwanag.

Nakakasilaw...

Napapikit ako sa sobrang liwanag ngunit ganon nalang ang aking pagkamangha sa nasaksihan.

Isang napaka habang hagdan na gawa sa ulap ang bumungad samin.

Napakaganda!

"Ito ang tawiran patungong langit."pagpapaliwanag niya.

"Napaganda neto!"mangha kong sabi.

"Walang ginawa si Rold na pangit tandaan mo yan."nakangiti niyang wika.

Palangiti si San Pedro no? Ano kayang toothpaste niya? Puti ng ngipin e.

Natawa si San Pedro kaya nagtaka ako.

"Walang toothpaste sa langit, natural lang samin na puti ang ngipin hahaha."natatawa niyang wika habang labas na labas ang kanyang ngipin.

Sinasadya niya atang ipakita sakin na kumpleto ang ngipin niya hays.

"Ang plastik niyo pong tumawa San Pedro."puno ng katotohanan kong sambit.

When the Hell meets HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon