#15

2 0 0
                                    

pinuntahan na niya si Yna sa Condo niya.

Di nagtagal ng pagdodoorbell niya ay bumukas na ang pintuan.

Nagulat si Yna ng makita niya ang binata sa harap niya. *Julo? Anong ginagawa mo dito?*

*nandito ako dahil gusto kung maka-usap ka.*

*Ok sige pasok ka na!*

Inalok naman niya ito ng inumin pero umayaw na agad siya.

*ano tong tumawag daw ang dad mo sa mom ko, buntis ka daw at ako ang ama!*

*Oo Julo buntis ako at ikaw ang ama.*

*No alam kong gawa-gawa mo lang yan! Kung buntis ka im sure anak mo yan sa ibang lalaki!*

Pagkasabi niya non sampal ang inabot niya sa babaeng maiyak iyak.

*anong akala mo sa akin malandi? Ikaw ang ama, lasing ka na noon, kaya di mo maaalala lahat.*

*i know na walang nangyari sa atin! Alam ko yun alam ko yun!!* inis na inis na sabi ni Julo.

*wala kang magagawa dahil pag uwi ni tito Jv mag uusap sila ni Dad.*

*ito lang masasabi ko, walang sino man ang makakapilit sa akin sa mga bagay na hindi ko gusto.*

*Julo kasalanan mo yun tapos ngayon hindi mo matatanggap?*

*Oo dahil hindi akin yan! Hanapin mo nalang kung sinong lalaking kumama sayo at sa kaniya mo sabihin na panagotan ka! dahil ako hinding hindi ko aaminin na akin yan.*

Pagkasabi niya non ay umalis na siya sa Condo ni Yna.

Pagbalik niya ng condo niya nadatan niyang nagluluto ang dalaga sa may kusina.

*oh anong nangyari? Nakapag usap na ba kayo?*

Tumang tango naman siya.
*anong nangyari jan sa mukha mo?*

*ano pa e di sinampal niya ako!*

*sinampal ka niya? Malamang baka may nasabi kang hindi niya nagustohan or baka inisulto mo siya.*

*sinabi ko lang naman na hindi akin yung anak niya at walang nangyari sa amin. Sinabi ko rin na hanapin niya yung lalaking bumuntis sa kaniya.*

*Ginawa mo yun? Kahit naman sino ay magagalit insulto yun eh.*

*Eh sa totoo naman na hindi akin yun.*

Tinulongan na niya itong magluto.
---

One week na ang lumipas.

Dumating na ang daddy ni Julo at nag usap sila ng dad ni Yna at yun gusto ng dad ni Yna na pagsamahin sila sa iisang bahay para maalagaan na daw ito ni Julo.

Napagkasunduan nilang sa Condo nalang ni Julo patirahin si Yna.

pinaalam naman yun ni Jv kay Julo.

*No dad ayaw ko! Ayaw kong may makasama dito sa Condo ko. Bat ba pinipilit nyo sa akin na akin yung bata? Bakit mas may alam kayo kesa sa akin?* inis na inis niyang sagot sa dad niya.

*Ok ok tama na! Makinig ka mona sa akin ok? Pakisamahan mo mona siya sa ngayon habang hindi pa siya nanganganak, kapag nanganak siya at mapatunayan na natin na hindi sayo yung bata. Ako na mismo ang aayaw sa gusto ni Mr.D na ikasal kayo.*

*pero dad ayaw ko siyang makasama dito...

Napatigil sila at napatingin  sa biglang pag bukas ng kwarto at nakita na ni Jv ang dalaga. Kagigising kasi niya at hindi niya alam na nandito na pala ang dad ni Julo.

(Folicarpio Series 1) "Her Hidden Personality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon