*Atiya!* tawag niya sa dalaga habang kinakatok ang pintuan.
*Atiya! Andiyan ka na ba?*
Tatlong beses na niyang tinawag ang kaniyang pangalan pero walang sumasagot.
Pinihit niya ang doorknob at agad naman yun nabuksan. Pumasok siya at hinanap sa loob pero wala siyang makita, napakatahimik sa loob ng kwarto. Muling sumagi sa isip niya yung babae sa mall, bigla siyang kinabahan.
Binuksan ang CR at wala ring tao.
Muli siyang lumabas at pumunta ng kusina.
Napangiti siya ng makitang may mga pagkain sa table.*Atiya alam kong anjan ka kaya lumabas ka na jan! Huwag mo kong pagtaguan! Sige ka lagot ka sa akin pag mahanap na kita.*
Sabi niya sa akalang nagtatago ito.
Bubuksan na sana niya ang nakatakip sa mga pagkain ng may makita siyang note na nakadikit sa may takip.
NOTE :
Ito pinagluto kita,kahit alam kong di masarap to pero sana magustohan mo dahil pinaghirapan ko yan. Saka baka ito na ang huli na matitikman mo ang walang lasa kung luto.
Pagka-basa niya sa note nayun napasabunot siya sa kaniyang buhok.
Tumakbo siya sa loob ng kwarto niya saka binuksan ang Cabinet na lalagyan niya ng damit pero yung mga damit niya ay andoon parin.
Kinuha na niya yung phone niyavat tinawagan niya yung phone ng dalaga.
Narinig niya yung phone na nagriring sa loob ng kwarto. Hinanap niya yung nagriring at nakita niya nakapatong sa may table.
Agad na niyang nilapitan at nakita niyang may papel na nakatupi sa ilalim ng phone.
Agad na niyang kinuha at binuklat.
**
Diko alam kong paano ko sisimulan tong sulat na ito. Julo malaki ang utang na loob ko sayo at sa pamilya mo. Diko alam kong sapat na ba ang magpasalamat sa kabutihan niyo, pero gusto kong mag pasalamat sa lahat-lahat dahil sayo hindi ako nagahasa nong mga baliw na lalaki nayon. Julo thank you! Sorry kung hindi ako nakapag paalam ng personal sayo, sorry kung sa sulat na ito ako nakapag pasalamat at nakapag paalam. Naisip ko na tama ang mom mo at si Yna hindi mo mapapanagotan ang responsibelidad mo sa kaniya at sa anak mo dahil sa akin. Ayaw ko din naman sirain ang ka sa anak mo. Ingatan mo nalang sila. huwag mong iparanas sa anak mo yung tulad sa akin na hindi ko nafeel ang pag mamahal ng isang magulang. Mahirap yun Julo alam mo yun.
Julo thank you sa pag mamahal ha! Dont worry hindi ko makakalimutan ang kabaitan mo at ang pamilya mo. Dont worry kasama ko ang kuya Ethan ko pabalik sa amin. Kalimutan na natin ang isat-isa, paalam na Julo at salamat ulit.-SHIREEN ATIYA FOLECARFIO-
Napa-upo siya sa kama pagkatapos niyang basahin anh sulat ng dalaga.
'Atiya!!!' sigaw niya
'Atiya!! Ano ba bumalik ka na!!'
Sigaw siya ng sigaw hanggang sa napagod siya sa kakasigaw ng pangalan ng dalaga.
Para siyang pinag sakluban ng lupa't langit.
Subra subra na ang nararamdaman niyang sakit. Kung nasaktan siya noong pinalayas siya at pinagtabuyan ng dad niya mas masakit yung nararamdaman niya.Kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Lex. Kaibigan na matinong kausap ang kilangan na niya ngayon.
'Lex meet me at the bar! Huwag mo nang isama yung dalawa ayaw ko ng maingay sa mga oras na ito.'
Binaba niya ang phone pagkasabi niya non, hindi na niya hinintay na makasagot ang kausap.
Agad naman din na nagbihis si Lex at pumunta ng Bar, alam niyang seryoso ang kaibigan na parang kilangan siya nito.
BINABASA MO ANG
(Folicarpio Series 1) "Her Hidden Personality"
Romansasabi nila pag mayaman ka lahat nagagawa mo. lahat nakukuha mo dahil nasayo na ang lahat