Unang Kabanata

142 64 73
                                    




UNANG KABANATA

TWINS

"to the one who left"




Sa pitong bilyong tao sa mundo, may nakatadhana sayo. Maaaring nakatadhanang makilala at magbigay leksyon at pagtibayin ka. Mayroon din namang kailangan mong makilala dahil ikaw ang magbibigay ng aral sa kanila. Pero hindi rin maiiwasan na magkaroon ng mga taong papasok sa buhay mo upang umalis lamang kalaunan. Ang lahat ng iyong naranasan at mararanasan, lahat nang iyan ay nakasulat na at hinihintay na lang mangyari. Ngunit sa kabila ng lahat ng klase ng taong iyong makakasalamuha, mayroong bukod-tangi na aalisin ang lahat ng iyong tanong at pag-aalinlangan--- iyong taong kayang manatili.

Ngunit paano kung ikaw mismo ang dahilan kung bakit siya nawala? Dahil sa iyong paglisan.

"Momma!" Tumatakbo papunta kay Willow si Sinag na siyang marumi na gawa sa paglalaro sa putikan. Kids, napailing-iling na lamang siya nang may ngiti. Sinalo niya anak na sumalakay sa kanya ng yakap.

"Where's your kuya?" Pinupog ng ina ang anak ng mga halik habang pumapanhik sa powder room ng mansion. Hindi naman makasagot ang anak at nanliit lamang. Napailing na lamang siya. Alam na alam agad ni willow kung may ginawa na namang kalokohan ang anak na babae. Para talagang papa niya, hindi niya maiwasang isipin na maraming pagkakapareho ang mag-ama habang ang anak na lalaki naman ay halos sa kanya nag mana pero kuhang-kuha naman nito ang gwapong mukha ng ama.

Pinindot ni Willow ang intercom na siyang nasa pasilyo paglabas ng powder room nang matapos linisan ang mukha at kamay ni Sinag. "Señora del servicio, traer a mi hijo en la sala de estar." Utos niya.

"Sí, Señora."

Pumunta si Willow dala si Sinag sa silid ng kambal upang ayusan na ito. Madami pa ang naganap bago tuluyang matapos sa pag-aayos si Willow sa anak dahil sa taglay na kakulitan nito na para bang hindi nauubusan ng enerhiya. Sabagay at bata pa naman ito at nasa lahi na ang pagiging makulit.

Pagbaba nila sa living area ay sakto namang papunta na rin doon si Alab na galing lang din sa powder room. Tama nga ang hinala ni Willow, na pagtripan na naman si Alab ng kanyang kakambal. Hindi lamang ito puno ng putik kung hindi puno rin ng mga tuyong dahon. Puno ng pag-aalala si Willow para sa anak ngunit bago pa ito may sabihin ay inunahan na siya ni Alab.

"I'm okay, Momma." Mag li-limang taong gulang pa lamang ang kambal pero kay haba nan g pasensya ni Alab para kay Sinag, ganoon nito kamahal ang kapatid. Lagi namang pinagsasabihan ni Willow ang anak na minsan ay sobra na ang kaharutan nito pero matapos lamang ang dalawang araw na pagiging anghel nito sa kanyang kuya ay babalik na agad sa nakagawiang kakulitan.

Hindi naman niya masisi ang ang kakulitan ng anak dahil sa malaking mansion na kanilang tinitirhan--- na siyang malayo pa mula sa susunod na tahanan, ay silang tatlo lamang ang naninirahan kasama ang mga taga-pagsilbi at bantay. Madalas din mamalagi sa mansion ang magulang ni Willow pero halos wala na silang permanenteng tirahan dahil sa kanilang paglipad sa iba't ibang bansa upang punan ang pangangailangan ng kanilang negosyo at organisasyon.

Pumanhik pabalik sa ikalawang palapag si Willow kasama ang kambal para asikasuhin naman si Alab. Hindi siya nahirapan dahil masunuring bata si Alab.

"Sinag, you shouldn't have done that. You don't do your trippings to your twin," kahit kailanman ay hindi niya tinaasan ang mga anak ng boses kapag pinagsasabihan niya ang mga ito dahil naniniwala siya na hindi ganoon ang tamang asal. "Sinabi ko naman sayo na dapat kung makikipaglaro ka sa kuya mo ay no-monkey business," napanguso si Sinag at kumislap na ang kanyang mga mata na para bang sa tuta. Huling-huli rin talaga ng anak ang kiliti ng magulang dahil sa ganoon pa lamang ang ginagawa niya ay napangiti na si Willow.

Always Been A Star (Gold and Pearl Saga#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon