IKA-TATLONG KABANATA
PRIVACY
"to the one who loves beaches."
Maaliwalas na bumungad kay Willow ang sinag ng araw na tumama sa mukha niya. A las kuwatro na ng hapon kaya naman agad na siyang lumabas sa kanyang coaster van upang pakinggan ang kalmadong paghampas ng mga alon sa puti at pinong buhangin.
Sa totoo lang wala naman talaga siyang alam sa lugar. Hindi siya taga-roon. Bigla na lamang kasi siyang sumabog at naisipang tumakas muna sa reyalidad.
Tumambad sa kanya sa di kalayuan ang asul na tubig-dagat at mga ibong nagliliparan sa himpapawid. Lumanghap siya ng sariwang hangin at napangiti dahil sa kakaibang dulot nito sa sistema. Gumaan na lamang ang pakiramdam at sa isang iglap nakalimutan niya kung sino talaga siya.
Ngayong nandito siya sa ganitong kagandahang paraiso, hindi magkandaugaga ang kanyang isipan kung ano ba nag dapat unang gawin sa dami ng kanyang balak. Sinisigurado na niyang gagawa siya ng mga memoryang hindi lamang tatatak sa kanyang isipan kun'di sa kanyang puso.
Nagtungo siya sa dagat at unti-unting naramdaman ang kakaibang saya nang maibabad ang paa rito. Dinama ni Willow ang paghampas ng maliliit na alon sa kanyang paanan. Nag simula siyang libutin ang lugar. Malayo ang kabahayanan sa pwestong kinalalagyanan niya.
Kung alam ko lang na ganito ang maidudulot ng dagat at sariwang hangin sa akin ay matagal ko na sanang itong ginawa, isip niya.
Sa kalagitnaan ng paglalakad-lakad upang libutin ang lugar, may namataan siyang isang duyan na nakatali sa dalawang puno ng niyog. Sa tabi nito ay isang maliit na kubo. Dahil sa kuryosidad ay mas nilapitan niya pa ito at sinipat kung may tao ba sa loob ngunit sinalubong siya ng katahimikan at kawalan ng mga gamit. Nakakandado rin ang pinto nito kaya hindi na siya nag aksaya pa ng panahon at dumiretso na lamang sa duyan na gawa sa rattan. Tinanggal niya muna nag dumi bago na higa.
This is what I really need!, sigaw ng kanyang isipan.
Wala naman sigurong magagalit kung maiidlip siya ng ilang minuto, hindi ba? Aalis naman si Willow kung sakaling dumating ang may-ari ng kubo at paalisin siya. Gusto niya lang talaga matulog habang naririnig ang hamapas ng alon at huni ng mga ibon na nagmistulang musikang pampatulog, isama na rin ang sariwang hangin na yumayakap sa kanyang balat.
Tuluyan na nga siyang naging komportable at bumigat ang talukap ng kanyang mga mata. Ngayon niya lang naramdaman ang pagod sa pagmamaneho kaya madali lamang sa kanya ang makatulog.
Ang ilang minutong balak na idlip ay inabot na ng gabi. Ramdam niya na ang lamig ng hangin na galing sa dagat.
"A-ahh... Ahh.... s-sige pa... sige pa!"
Isang malakas na ungol ang nag pagising sa kanyang diwa.
"A-atlas! Ang s-sarap niyan... Harder please!... Iyan! Iyan! Iyan!" Napabangon siya sa kanyang kinahihigaan at laking gulat niya noong makita sa di kalayuan ang dalawang taong may ginagawang milagro!
D-disgusting!, bulong ng kanyang isip.
Napabalik na lamang siya kaagad sa pagkakahiga upang hindi sila magkakitaan!
What the hell comes to their minds? Don't they know what privacy is?
"Fuck me harder, Atlas! Ahh!"
BINABASA MO ANG
Always Been A Star (Gold and Pearl Saga#1)
General FictionGold and Pearl Saga#1 (1st installment) After masking herself with the good, prim, and proper facade, the daughter of the Vela Solana Family, Willow Andromeda Salavieja, uses her pen to reveal her emotions, the only way to express her thoughts and f...