Ika-apat na Kabanata

67 52 8
                                    




IKA-APAT NA KABANATA

Annoyance

"To the one who smiles through pain"

Panibagong araw, panibagong pag-asa para kay Willow na masulit ang hininging oras. Sinubukan niya na huwag nang alalahanin pa ang nangyari kagabi. Minabuti niyang gawin ang ganyang routine, ang mag hilamos ng mukha, ayusin ang pinaghigaan sa maliit na kwarto sa loob ng kanyang Coaster, at ang buksan ang bintana—

"Good morni— hey!"

Bigla na lang sumulpot ang lalaki kagabi at ginulat si Willow na kakagising lang. Para kay Willow, gulatin mo na ang lasing, huwag lang ang bagong gising kung ayaw makakita ng daliring naiipit.

"Bakit mo inipit ang mga daliri ko?" sabi ng lalaki na para bang kataka-taka pa ito. Pinanatili namna ni Willow ang kawalan ng emosyon sa kanyang mukha.

"Bakit hindi pa naputol?"

"Sadista."

"May sinasabi ka?" Matatalim na tingin ang ipinukol ni Willow ngunit hindi na tinag ang lalaki. Naka-parada pa rin sa kanyang mukha ang ngiting kay ganda na animoy aakyat ng ligaw lalo nasa kanilang posisyon; Si Willow na medyo may kataasan dahil nasa loob ng kanyang Coaster at ang lalaking nasa labas. Alam na laam ni Wllow ang mga ganitong klase ng ngiti. Ito ang tipo ng ngiti na kababaliwan ng mga babae at binabae. Para ito isang modelo ng toothpaste at kasalukuyan silang nasa shooting ng bagong commercial.

"Wala. Gusto ko lang mag pakilala, ako si Atlas—"

"Okay, Atlas. Pwede ka na umalis." Malamig na ni niya. Hindi nais ni Willow na maging bastos pero ang lalaki ay isang paalala lamang ng mga nakita niya kagabi at ang maalala ang mga kaganapan na iyon ay hindi maganda. Hindi niya gustong maalala pa iyon.

Tuluyan na ngang sinarado muli ni Willow ang bintana at hinawi pabalik ang kurtina upang hindi na makita pa ang bulto ni Atlas. Nakakaramdam man ng konsensya sa pinakitang asal, ngunit nanaig pa rin ang kagustuhan na unahin naman muna nag sarili. Hindi naman iyon masama, di'ba?

Kung sa ordinaryong araw katulad na lamang ng mga araw na nasa kanilang mansyon namamalagi si Willow ay baka imbes na paalisin si Atlas dahil sa mga nasaksikhan niya kagabi ay aalukin niya pa itong kumain dahil iyon ang naituro sa kanyang asal. Mananaig ang kanyang pagbibigay galang at pakikisama at isasantabi ang pagkailang na nararamdaman. Aakto na lamang siya na walang maalala para maisalba ang hapag.

Nag luto na si Willow ng pritong itlog at sinangag. Pinilit niyang huwag alalahanin ang engkwentro na nangyari kani-kanina lang at sa pangalawang pagkakataon ay nagwagi siya na hindi ito sumagi sa kanyang isipan. Mag a-A las otso pa lamang ng umaga kaya nag hahanda na si Willow upang mamasyal. Dala-dala niya sa kanyang hindi kalakihang hiking bag ang isang blankong kuwaderno, canvas, at kagamitan sa pagpipinta. Nagdala na rin siya ng extra'ng kasuotan baka kasaling maisipan niyang maligo sa ilog or sapa na madaraanan sa kabundukan. Handang-handa na siya para sa mahabang araw na kanyang kahaharapin ngayon, naka-itim na leggings, brown hiking shoes, at white top. Hindi kaseksihan ang suot pero kitang-kita pa rin ang kanyang magandang hubog ng katawan. Sinuot niya rin ang kanyang cap at pinlusot dito ang naka-ponytail na buhok.

Paglabas niya pa lamang ng kanyang Coaster, ang kanyang abot-langit na ngiti ay agad na napawi nang bumungad sa kanya ang mukhang hindi pa umaalis mula kanina sa kanyang pwesto na si Atlas. Mas lalo tuloy lumakas ang bulong ng kanyang konsensya.

Naka-sando lamang ng puti si atlas kaya naman kitang-kita ang batak na batak at hulmado nitong mga braso. Bumabakad din sa suot nito ang kanyang kakisigan na hindi naman magawang hindi pansinin ni Willow lalo na at bigla niyang naalala ang maiinit na eksena kagabi.

Always Been A Star (Gold and Pearl Saga#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon