Ikalawang Kabanata

94 58 39
                                    




IKALAWANG KABANATA

DATE

"to the one who seek for the comfort"




Darating sa buhay natin, na kahit gaano pa tayo katigas o katatag, hahanapin pa rin natin ang kaginhawaan. Ginhawa na makukuha lang natin sa itinakda para sa atin. Iyong makakaintindi ng ating mga suliranin, mababaw man o mabigat.

"Basta, Willow, siputin mo si Jeremiah. Para naman maging sagana iyang love life." Hindi na nga ata maalala kung pang-ilang paalala na ni Daima ito para sa kaibigan. Halos isang lingo na rin ang nakalipas at puro iyon lamang ang bukang bibig niya, na para bang ikamamatay nito ang kawalan niya ng love life. Kung tutuusin ay ang buhay pag-ibig na ni Willow ay sina Sinag at Alab.

"You can now calm down as I go to our meeting place, okay." Tunay ngang nakahinga na ng maluwag si Daima. Hindi rin kasi basta-basta si Jeremiah, ang katagpo ni Willow. Isa itong tanyag na artista sa Hollywood at kilala sa karakter na ginampanan niya sa bilang isang super hero. May anak na rin ito at tiyak na magkakasundo sila. Ayaw lamang ni Daima na mapalagpas ni Willow ang pagkakataon na ito, lalo na at nararamdaman niyang mauunawaan nila ang isa't isa.

Galak na galak ang ayos ni Willow suot ang bestidang hanggang tuhod na kulay liquid gold na hapit na hapit sa kanyang balingkinitan at kurbadang katawan. Kung titignan ay aakalainin mong wala pa siyang mga anak. Nasa dugo na nila ang pagiging kurbada at dinagdagan pa ito ng kanyang paniniwala na, mayroon mang anak o wala, ang isang babae ay may karapatan pa ring alagaan ang kanyang pangangatawan.

"Alab, take care of your sister , and you too Sinag. Look out for your brother while I'm gone. Don't be stubborn. Sleep at 9 o'clock, okay? I'll be late but I'll make sure to go straight into your room once I got home." Hinalikan niya ang mga pisngi ng mga ito at nag bilin sa mga tagapag-alaga ng mansion at ng mga bata na maging mapagmantiyag.

Mabigat ang bawat hakbang ni Willow patungo sa entrada ng mansyon. Isang lingo niyang binigay lahat ng oras sa mga anak at ang ganitong pangyayari lamang ay nagpapa-miss na kaagad sa kanya. Ang gusto niya na lamang s amga oras na iyon ay basahan sila ng kwentong siya mismo ang nagsulat hanggang sa makatulog ang mga ito at kung hindi pa ay aawitin niya twinkle twinkle little star na siyang paborito ng mga ito nakantahin niya sa kanila sa pagtulog.

Hanggang sa makarating sa isang mamahaling restawran ay mabigat pa rin ang kanyang katawan na para bang ayaw siyang palabasin mula sa sasakyan.

"Señora, donde aquí."Ani ng kanyang chuper. Doon lamang natauhan si Willow na kailangan na nga niyang lumabas sa sasakyan at siputin ang kikitain. Lumabas din ang chuper upang alalayan sa pagbaba ang kanyang amo. Huminga siya ng malalim na akala mo ay may laban na kakaharapin bago tuluyang pumasok at igiya ng isang maître d' sa isang pribadong silid.

Ilang beses nang nakapunta si Willow sa restawran pero ngayon ay napapalibutan ito ng mga palamuting pampasko na siyang nakadagdag sa pagka-elegante ng lugar. Ang malaking chandelier sa itaas ay parang bitwin sa kalangitan kung magningning. Iyon nga lang, langit na tanging mayayaman lamang ang pwedeng makakita.

Ilang araw na lamang din ay magpapasko na at hindi niya pa rin alam ang balak niya kung paano nila ipagdiriwang ng mga bata ang pasko ngayon. Hindi kasi makakapunta ang mga kuya niya kasama ang mga pamilya nito at ang mga magulang niya dahil abala sa lalong paglaki ng organisasyon at pagdami ng proyektong kanilang ginagawa.

Always Been A Star (Gold and Pearl Saga#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon