IKA-LIMANG KABANATA
FALL
"To The One Who Wants To Escape"
Wala naman sigurong masama kung sa pagkakataong ito ay pipiliin ni Willow ang kanyang sarili, hindi ba? Ayaw niya ng gulo at kung ang umalis sa magandang lugar katulad ng Laz Mercedes ang solusyon upang makamtam ang ninanais na pansamantalang buhay na payapa ay gagawin niya.
Sa gabing iyon ay minabuti ni Willow na ihanda na ang sarili upang lisanin ang lugar. Bukas ng gabi din ay aalis na siya kaagad. Nais man niyang manatili sa lugar dahil sa tila-paraiso nitong kapaligiran ay mas pipiliin niya pa ring lisanin ito na may magandang imahe sa kanyang isipan.
'Hindi ko hahayaang ang paraisong ito ay maging isang bangungot sa aking ala-ala', bulong ng puso niya.
Kung ang paglisan lamang ang tanging solusyon, marapat lamang na mag lakas loob humakbang papalayo.
Hindi na siya nakakain ng hapunan dahil sa pagkabahala at natulog na lamang ngunit hindi siya dinalaw ng kaantukan sa gabing iyon. Kaya naman pinagmasdan niya na lamang ang angking kagandahan ng buwan sa ibabaw ng karagatan na para bang may musika ito na siyang nag re-resulta upang sumayaw ang mga alon.
Ang Sinag ng buwan ang simbolo na sa kadiliman man ng punto ng iyong buhay, ito yayakap sa iyo.
'Hope', iyan ang nararamdaman niya kapag tinitignan niya ang sinag ng buwan. Na sa dami man ng negatibo sa mundong ito, sisilip pa rin sa baul ang pag-asa.
Hindi niya namalayan na unti-unti nang kumakaway si haring Araw.
'Shit! It's already morning!'
Inayos niya na ang kanyang sarili at nag umagahan na upang may lakas siya sa byahe patungo sa... saan nga ba siya tutungo? Kahit siya ay hind alam. Tanging ang maka-alis sa lugar lamang ang tanging nasa isip niya.
Nang matapos kumain ay minabuti niyang i-search sa internet ang mga lugar na malapit sa Laz Mercedes pero bago pa man niya mapindot ang enter ay may kumatok nasa kanyang sasakyan. Isang kagandahang babae ang kumakatok sa kanyang coaster at may dalang supot. Mahaba ang buhok, morena, at may suot na bestida na inaalon ng hangin. Mukhang tatalunin pa ng ngiti nito ang kagandahan ng Araw.
Walang nagawa si Wilow kung hindi ay pagbuksan ito. Mukhang wala naman si Atlas sa paligid kaya ayos lang siguro.
"Hello!" Bungad ng babae. Wala pang alas siyete ngunit ang enerhiya nito ay hindi na agad nag papatalo. "Ako nga pala Daima. Pinapadala nga pala sakin ito ni Mama," sabay pakita ng mga dala nito supot ng mga prutas. Nanlambot naman ang puso ni Willow.
Bibihira lamang siya makatanggap ng kabutihan na walang hinihinging kapalit kaya naman ang mga simpleng aksyon tulad nito ay tumatatak sa kaibuturan ng kanyang puso. Hindi 'man bakas sa mukha niya ang kagalakan, iba naman ang isinisigaw ng kanyang isipan.
"Maraming salamat! Willow na lang ang itawag mo sa akin." Inilahad niya ang kamay kay Daima at malugod naman nitong tinanggap.
"Wow! Tunog mayaman! Hindi na ako magtataka dahil ang ganda rin kasi ng sasakyan mo." Iginala ni Daima ang kanyang mata sa loob ng sasakyan ni Willow.
Hindi magawang itanggi ni Willow ang pahayag ni Daima dahil ito naman talaga ang totoo. HIndi niya na lamang ito kinumpirma at hinayaan ang dalaga sa kanyang iniisip.
"Ay oo nga pala, sige mauna na ako at may gagawin pa ako. Kwentuhan na lang tayo sa susunod. Bye!" Paalam ni Daima.
"Maraming salamat ulit sa mga prutas! Pangako at babawi ako." Hindi 'man ngayon siya makabawi, ngunit sa hinaharap sisikapin niyang bumalik sa lugar at suklian ang maliit na kabutihang ipinakita ng pamilya ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Always Been A Star (Gold and Pearl Saga#1)
General FictionGold and Pearl Saga#1 (1st installment) After masking herself with the good, prim, and proper facade, the daughter of the Vela Solana Family, Willow Andromeda Salavieja, uses her pen to reveal her emotions, the only way to express her thoughts and f...