01 | Zeki

350 9 0
                                    

Third Person P.O.V

Meet Zeki, isang magalang, matulungin sa kapwa, magandang gwapo, walang naging kasintahan at may sariling negosyo sa edad na 20. Halos lahat ng tao sa kanilang bayan ay kilalang kilala siya, dahil siya ay masikap kahit siya ay nag iisa sa buhay.

Wala na siyang magulang at ang nag iisang kapatid niya ay nag tatrabaho sa Maynila.

Na huhumaling ang lahat ng kababaihan sa kanya sa kanilang bayan, dalaga, biyuda, may asawa at maging mga lola na. Madami din siyang nagiging suki sa kanyang negosyo, di naman nagagalit o naiinggit ang ibang negosyante dahil siya ay matulungin din sakanila. Di pa siya nagkakaroon ng kasintahan, madaming nagpapa cute sakanya na mga dalaga ngunit walang makakuha ng kanyang atensyon dahil para sakanya, ang pagmamahal ay mararamdaman mo lang sa isang babae na magpapatibok ng puso. At pag iyon ay naramdaman na niya sa isang babae, ay hindi na daw niya ito papakawalan.

Ang kanyang negosyo ay nasa palengke at nag titinda siya ng sari saring paninda tulad ng bigas, gulay, karne at iba pa. May isa siyang suki na ang palaging binibili ay sampung kilong karne araw araw tuwing alas otso ng umaga. Ito ay isang matanda na nagtatrabaho sa isang pamilya na walang nakaka alam kung sino at kung saan ang kanilang bahay. Ang tanging alam ni Zeki ay ang pamilyang pinag tatrabahuan ng matanda ay mayaman. Pero hindi niya alam ay ang pamilyang ito ay may malaking lihim.

Zeki P.O.V

"Magandang umaga ho Manong Berting!" bati ko sakanya.

"Ang aga niyo naman po yata ngayon, kamusta po kayo?" Pag tatanong ko sakanya.

"Magandang umaga din Zeki, ayos lang naman ako. Mukhang madami dami ka nang napag bentahan ngayon ah?" sagot sa akin ni Manong Berting.

"Ah opo, kanina po kasing madaling araw mga alas singko nag bukas na ako, kasi madaming namamalengke ng mga kakailanganin nila sa mga pag luluto nila sa kanilang mga karinderya at mga mamimili para sa kanilang mga maliliit na tindahan" sagot ko habang inaasikaso ang karne na sampung kilo na palagi niyang order sa akin tuwing nagagawi dito.

"Mang Berting, mawalang galang na po, matanong ko lang po, bakit po ang dami niyo po laging pinapamili na karne?" tanong ko.

"Paborito kasi yan ng mga amo ko." tipid na sagot ni Mang Berting.

"Matanong ko po ulit Mang Berting, san po ba kayo nag tatrabaho? Sino po ba nag amo niyo? And tanda niyo na po, di po ba kayo na hihirapan sa lagay niyo?" pag tatanong ko muli at iniabot sakanya ang mga karne.

"Eto ang bayad Zeki, salamat." sabi niya, at hindi sinagot ang tanong ko.

Paalis na sana siya nang bigla niya muli akong harapin "Muntik ko na malimutan Zeki, simula bukas ay dodoblehin ko na ang order kong karne sa iyo. Ayos lang ba iyon?" tanong sa akin.

"Ayos na ayos po Mang Berting! So total po ng 20 kilos po ang kukunin niyo simula bukas." sagot ko naman.

"Oo tama, pero mas aagahan ko sana kukunin, mga 6 ng umaga" sambit muli ni Mang Berting.

"Sige po! Walang problema." sagot ko, pero may pag tataka sa aking isip, bakit dodoblehin niya, wala naman akong reklamo dun kasi lalaki pa nga ang kita ko. Pero nakapag tataka lang. Kaya tinanong ko ulit siya "Mang Berting, matanong ko po, bakit po dumoble ang kukunin niyong karne simula bukas?" di ko napigilang itanong.

"Aah. Kasi dadating ang mga anak ng amo ko, galing ibang bansa at paborito din nila ay mga karne." sagot naman sa akin.

Madami pa akong gustong itanong ngunit nagpaalam na sa akin si Mang Berting "Oh sige mauna na ako Zeki, baka hinahanap na ako ng mga amo ko. Mag iingat ka palagi." sambit niya sa akin.

"Opo! Ingat din po kayo pauwi Mang Berting!" Sigaw ko habang naglalakad na siya palayo sa aking pwesto.









*To be continued*

Ok lang ba?? Hehe update ako pag umabot ng 100 likes siguro? 😅 Para naman alam ko kung may nag babasa hehe..

Ps. Sorry if may typo

First Love | JenLisa (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon