07 | Together

96 6 0
                                    

Third Person P.O.V

Simula nung araw na 'yon na nakita ni Zeki si Venice sa ilog, mas lumalim ang intensiyon niya na makilala si Venice. Kaya nung sumunod na araw ng hapon pagkatapos niya mag sara ay pumunta siya ulit sa ilog.

Saktong pag dating naman niya sa ilog ay nandun din si Venice. Pinursige niyang makilala si Venice, araw araw pinupuntahan ni Zeki si Venice sa ilog. Sa kakulitan ni Zeki, walang nagawa si Venice kundi hayaan nalang siya. Lagi na sila nag kikita sa ilog, maaga nang nag sasara si Zeki sa pwesto niya sa bayan.

Hindi inaakala'y unti unti na silang nahuhulog sa isa't isa. Sa sunod sunod nanaraw na pag kikita nila ay nililigawan na siya ni Zeki, at pumayag naman si Venice.

Hindi na pinatagal ni Venice ang panliligaw ni Zeki at sinagot na niya ito matapos ang 3 weeks.

Zeki P.O.V

One month nang kami ni Venice, wala naman akong maipapakilala sakanya na pamilya ko kaya tatanungin ko na siya kung pwede ko na makilala ang pamilya niya para naman maging legal at pormal kami.

"Mahal, alam mo naman siguro na wala akong maipapakilalang pamilya sa'yo 'di ba? Kasi yung kapatid ko nasa Maynila." sabi ko sakanya.

"Oh, bakit mo naman nasabi yan Zeki? At bakit 'Mahal'?" sagot niyang naka tingin sakin.

"Gusto ko kasi yun ang tawagan natin, ok lang ba mahal?" sagot at oag tatanong ko sakanya.

"Hmm pwede naman Mahal" sagot niya na natatawa pa.

"Ah mahal, pwede ko na ba makilala ang pamilya mo? Para naman legal na tayo at para pormal ko na silang makilala." Pag tatanong ko pero nakita ko ang noo niyang kumunot.

"Hindi pwede mahal. Hindi nga dapat ako nakikipag kita sa'yo eh. 'di mo siya kilala, di mo sila kilala kung anong kaya nilang gawin sa'yo." may kalakasan na boses niyang sagot.

Hindi ko nalang siya pinilit at baka magkaroon pa kami ng hindi pagkaka intindihan. Maaga pa ngayon dahil sabado, inaya ko siya kahapon na lumabas kami pupuntang bayan ngayon para makapamasyal naman siya maliban dito sa gubat. Ngayon nag lalakad kami papunta sa bayan. Habang nag lalakad kami pinag titinginan kami, may ilan ilang bumabati sa amin dahil bagay na bagay daw kami kasi pareho daw kaming maganda ang mukha. Parang mga artista daw kami sa pelikula.

Sa ilang bumabati sa amin ay may ilan ilan ding umiiwas, di ko nalang pinansin at nag enjoy nalang sa date namin ni Venice. Natapos ang date namin at dumiretso kami sa bahay, di na pigilan ang sarili at may nangyari sa amin nung hapon na 'yon. Walang pagsisising naramdaman dahil sa nangyaring yon, pinaramdam ko kung gaano ko siya kamahal. Mag gagabi na at hinatid ko na siya sa may bungad ng gubat.

"Mahal hanggang dito nalang, kaya ko na dito. Gabi na uwi ka na." sabi niya sa akin.

I kissed her forehead and hugged her tight "sige mahal, ingat ka pauwi ha?" di pa man kami nag hihiwalay para makauwi na sa kanya kanya naming bahay, may biglang nag salita na may boses na napaka baritono.

"VENICE! Kaya pala lagi kang wala sa manyon! May kinakasama kang taong taga bayan!" nakakatakot na sambit ng lalaki. Napakatangkad, sa height kong 5'6" nanliit ako, nasa 6'3" siguro ang taas niya at napakalalim ng boses niya.

"Magandang gabi po, mawalang galang na po. Ako po si Zeki, kasintahan po ako ng inyong anak" takot man pero nag pakilala na ako. Tinititigan niya lang ako ng matalim.

"Zeki umalis ka na!" sabi ni Venice at tinutulak pa ako.

"Ganyan ba ang manliligaw!? Sigurado ka ba sa anak ko? Kung sigurado ka ina-anyayahan kitang pumunta sa Mansyon bukas sa oras ng hapunan" nag saya naman kahit papano ang puso ko dahil sa sinabi ng daddy niya.

"Hindi po dad!" humarap sya sa akin at pilit na pinapaalis na ako "Zeki umalis ka na! Pakiusap!"

"Hindi mahal, pagkakataon ko na to para makilala ang pamilya mo" humarap ako sa tatay niya at nag bow "Makakaasa po kayo, pupunta po ako bukas. Magandang gabi po" sabi ko.

Hinila naman si Venice ng tatay niya matapos ko sabihin 'yon. May pag aalala man, kailangan ko nalang magpalakas ng loob para sa paghaharap namin bukas.



*To be continued*
Good morning readers! Yiieee salamat sa pagbabasa, sorry sa mga typo. Malapit na po pala ang ending hehe.. 🖤🤧

First Love | JenLisa (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon