09 | Together Forever?

143 4 0
                                    

Third Person P.O.V

Abala ang dalawa sa pag iimpake, ngayong madaling araw sila aalis para makapunta ng maaga sa pier. Magpapakalayo layo sila at titira sa Maynila para dun mag umpisa ng panibagong buhay. May naipon na din si Zeki para mag umpisa sila sa Maynila at kung sakali ay nandon naman ang kanyang kapatid para sila ay matulungan.

Habang sila ay nag lalakad papuntang sakayan, halo halo ang kanilang nararamdaman. Kaba, takot, excitement, saya, lungkot, at pag alala, dahil lalayo na sila at iiwan ang bayan kung saan nabuo ang kanilang pag mamahalan.

Narating na nila ang sakayan papuntang pier at mabilis lang ang byahe dahil maaga pa, ilang minuto ay nakarating na sila ng pier at saka nag madali na sumakay sa barko papuntang Maynila.

Habang sila ay nag babaybay sa dagat papunta sa Maynila, pinapanood ni Venice ang natutulog niyang girlfriend kanyang tabi dahil na din sa pagod, hinalikan ito ni Venice sa noo. Hinawakan ni Venice ang mga pisnge nito at hinipan ng konti sa mukha "wag mong kakalimutan ang tayo mahal, wag mo kakalimutan ang pinag samahan nating pagmamahal, kalimutan mo ang lahat ng sakit at problemang naranasan... Kalimutan mo na din kung sino ako."

Pag katapos niya ibulong iyon ay muli nitong hinalikan si Zeki sa noo. Bago pa man siya umalis ay may muli itong binulong "babalikan kita mahal, hintayin mo ako." At tuluyan na ngang umalis si Venice at iniwan si Zeki na mag isa sa barko.

Nagising si Zeki nang walang katabi at walang kaalam alam, ang tanging na aalala lang nito ay pupunta siya ng Maynila na dapat ay may kasama siyang babae na tanging mukha lang ang kanyang na aalala at ang kanilang magandang pinag samahan. Walang maalalang pangalan si Zeki kung sino ang babae sa kanyang alala, pero may tumatak sa isip niya na sinabi ang babae "babalikan kita mahal, hintayin mo ako."







END??
(sorry for short update 🤧)

First Love | JenLisa (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon