Third Person P.O.V
Kinabukasan kahit abala si Zeki sa pag titinda, hindi mawawala sa kanya ang bakas ng excitement at kaba para sa pakikipag kita niya mamaya sa pamilya ni Venice. Idagdag pa sa kaba niya ang mga narinig niyang mga chismis ng mga tao sa paligid, pero mas pinili nalang niyang hindi pansinin ang mga naririnig niyang ito dahil mahal na mahal niya si Venice.
Dumating na ang oras para siya ay mag ayos na at mag sara. Mas maaga kesa sa dati, dahil kailangan pa niya mag ayos ng sarili sa kanyang bahay.
Napadaan naman ang kanyang kaibigan at nag tanong "Oh! Zeki mas napaaga ka yata ng sara ngayon? May lakad ka ba?" tanong ni Seulgi.
"Ah, oo par. Kasi pupunta ako ngayon sa bahay nila Venice, inimbitahan ako ng tatay niya dun mamayang hapunan." sagot niya, pero kitang kita sa mukha ni Seulgi ang pagka gulat at pag aalala.
"Sige basta mag iingat ka Zeki." sagot nito at umalis na, at tuluyan na ngang nag sara ng pwesto si Zeki at umuwi na para makapag ayos.
Matapos siyang maligo at makapag bihis, inayos na niya ang mga karne dahil gusto niya na may maidala naman siya kasi nakakahiya naman kung wala siyang bitbit na kahit ano.
Zeki P.O.V
Natapos na ang lahat at ready na ako, lumabas na ako at tinahak ang daan papunta kila Venice. Di ko maintindihan pero nakakaramdam ako ng kaba habang nag lalakad sa kagubatan, pero kailangan ko lakasan ang loob ko kahut damang dama ang tako. Sino ba naman ang hindi matatakot dun, ang laki laking tao tapos napaka lalim pa ng boses. Paano pa kaya yung ibang miyembro ng pamilya ni Venice.
Habang malalim ang pag iisip ko di ko namalayan na karating na pala ako sa gate nila. At saktong nandun naman si Mang Berting.
"Mang Berting!" sigaw ko sakanya at siya namang napalingon sa akin. Nag lakad siya ng mabilis papalapit sa akin.
"Zeki anong ginagawa mo dito!? Gabi na! Di ba sinabi ko na sa'yo na wag ka nang babalik dito!?" malakas na boses na sabi sa akin ni Mang Berting.
"Hindi po, nandito po ako kasi inimbitahan ako ng tatay ni Venice, girlfriend ko na si Venice, Mang Berting!" masayang pag papaliwanang ko sakanya.
Bigla naman nag salita sa likod ni Mang Berting ang tatay ni Venice "Nandito ka na pala. Zeki, tama ba ako?" tanong niya sa napaka baritonong boses.
"Opo, magandang gabi po. Ah eto nga po pala nag dala din po ako ng karne" sagot ko at inabot ang karne.
"Nag abala ka pa. Berting kunin mo na nga itong dala ng bisita natin, nakakahiya naman kung hindi natin tatanggapin ang dala niya" sabi niya na may parang kakaibang tono sa boses niya. Kinuha naman ni Mang Berting ang karne sa akin pero may palihim siyang inabot sa akin, di ko na iyon nakita at binulsa nalang dahil agad na akong tinawag ng tatay ni Venice para pumasok na.
Pag pasok namin sa kanilang bahay, namangha ako. Pero hindi ako iniimik ng tatay niya at wala din si Venice, dumirecho lang kami at nandon ang buong pamilya nila. Mag hahapunan na pala sila dahil may mga naka hain sa hapag kainin pero naka takip ang mga ito. Nakita ko si Venice at naka yuko ito.
Mas lalo naman ako nakakaramdam ng kaba at takot dahil lahat sila ay naka tingin sa akin maliban kay Venice. Parang mamamatay na ako sa tensyon nang biglang nag salita nag tatay ni Venice.
"Kilalang kilala mo ba ang anak ko? Sigurado ka ba na mahal mo siya?" Sunod sunod iyang tanong.
"Opo, mahal na mahal ko po siya at kahit na anong mangyari mamahalin ko padin po siya" magalang na sagot ko kahit kabado ako.
"Sigurado ka na ba jan? Kilala mo ba ang kinakaharap mo?" Mas matalim na ang mga mata niya ngayon, nakatingin lang sila sa akin at binuksan ng kanyang tatay ang mga naka haing pagkain sa mesa at laking gulat ko na puro itong mga karneng hilaw.
BINABASA MO ANG
First Love | JenLisa (Short Story)
FanfictionZeki (L) ay isang magalang, matulungin sa kapwa, magandang gwapo, walang naging kasintahan at may sariling negosyo sa edad na 20. Venice (J) ay isang miyembro ng pamilyang napaka misteryoso at walang nakaka alam kung sino. "Magandang gabi po, kasint...