04 | The Favor

101 5 0
                                    

Zeki P.O.V

Haaayyyy another day, another life! Masaya mabuhay basta kumapit lang sa positive vibes, pag may negative siyempre dapat smile lang tayo para lumapit ang good vibes. The more kas na iisipin mo ang bad vibes, mas lalo kang mawawala sa mood, kaya di dapat nagpapadala. Naglalakad na ako papunta sa pwesto para makapag bukas ng maaga, lalo na't madaming ulit pupunta sa pwesto para bumili ng mga kailangan nila. 5am na ng naka dating ako sa pwesto at agad naman akong nag bukas. Di nag tagal ay nag datingan na ang mga mamimili at inasikaso ko naman sila isa isa na hindi nawawala ang ngiti sa mukha, kaya naman pati sila na hahawa at napapa ngiti nalang din at di inaalintana ang pila nila,l at nag hihintay nalang ng taimtim.

Di nag tagal na tapos na ang iba, unti unti na silang nababawasan at natanaw ko si Mang Berting na papalapit na sa aking pwesto.

"Oh! Mang Berting magandang umaga ho!" masiglang bati ko sakanya at kanya naman kinangiti. Pero namumutla siya at pawis na pawis.

"Magandang umaga din sa'yo Zeki." bati niya at napa punas ng kaniyang pawis.

"Ok lang ho ba kayo Mang Berting? Namumutla po kayo ah?" pag aalalang tanong ko habang inaayos ang mga karne na order niya. Pero ngumiti lang siya.

"Ayos lang ako Zeki, masama lang ang pakiramdam ko." sagot naman sa akin ni Mang Berting.

"Sigurado po ba kayo? Gusto niyo po ba ihatid ko kayo samahan ko na po kayo pabalik sa inyo" alalang sabi ko habang naka tingin sakanya at hawak ang nakasupot na karne.

"Hindi na Zeki, kaya ko naman. Oh eto ang bayad, salamat nalang Zeki." sagot niya at inabot ang bayad at kinuha naman sa akin ang kaniyang pinamili.

"Hmm sige ho Mang Berting kayo po ang bahala. Basta po wag kayo mahihiyang lapitan lang ako." sabi ko nalang na naka ngiti sakanya.

"Eh tutal sinabi mo na din yan Zeki, pwede bang humingi ako sa'yo ng pabor?" Tanong niya sa akin.

"Opo, pwede po. Ano po ba 'yon?" tanong ko.
"Pwede bang bukas ikaw ang mag dala ng karne? ideliver mo nalang, dadagdagan ko nalang ang bayad ko sa'yo." Tanong niya sa akin.

Ewan ko bakit ganito ang pakiramdam ko pero na-excite ako sa sinabi ni Mang Berting. "Sige po wala po problema dun!" sagot ko nalang na naka ngiti.

Humingi naman si Mang Berting sa akin ng papel at ballpen para maidrawing ang daan papunta dun, pagkatapos ay inabot niya sa akin. Nag pasalamat na siya "Oh paano, bukas nalang Zeki haa. Sundan mo lang 'yang mapa, mag lakad ka na ng 5am para maaga kang makarating dun." sabi niya sa akin.

Lalakad na sana siya pero may sinabi pa siyang pahabol "Siya nga pala Zeki, tatandaan mo, kung may makita ka man wag na wag mong kakausapin ha? Oh siya, mag ingat ka bukas ha?" may pag tataka man sa isip ko pero tumango nalang ako at pinag masdan siyang paalis.

Natapos ang araw ko sa pag titinda sa palengke, pareho sa mga nakaraang araw madaming bumibili. Hindi pa ako na lugi ni minsan, laging malaki ang kita ko. Minsan ay may dumadayo pa nga na taga kabilang baryo para bumili dito na pinag tataka ko naman. Ayun pala itong kaibigan ko eh pinag kakalat na may gwapo daw na nag titinda dito sa palengke, at pag dumadating na eh itinuturo nila ang pwesto ko.

"Ikaw talaga Seulgi kung ano anong kinakalat mo, nakaka hiya sa mga tao dumadayo dahil sa kinakalat mo" natatawang sabi ko sakanya.

"Eh bakit? Totoo naman ah, isang linggong ligo lang naman lamang mo sakin, kaya pag tinitignan ako ng mga pinag sasabihan ko eh na niniwala sila" sagot naman niya sakin.

"AHAHAHAHAHAHA eh buti may na niwala sa'yo? Kilalang loko loko ka pa naman!" sabi ko sakanya habang tumatawa ng malakas. Parang pamilya ko na si Seulgi, minsan sinasamahan niya ako dito sa pwesto para mag tinda, minsan makikita mong palakad lakad lang nang chichix pero wala naman di pinapansin ahaha.

Na hagip ng mata ko ang katapat na pwesto ko, si Irene. Na nakatingin kay Seul. I smirked and called Seulgi's attention "Woii seul. Bakit ka pa kasi nag hahanap ng ibang chix, kung nasa paligid ligid lang natin eh meron? Malay mo nasa tapat pala" sabi ko na may kalakasan para marinig ni Irene.

Napatingin naman sakin si Seulgi na naka ngiwi "Sino naman yang tinutukoy mo?" tanong niya.

Nginuso ko naman ang direksyon ni Irene at napatingin doon si Seul. "Siya?? Irene? Eh ang sungit sungit nga ng mukha niya oh" kunot noo niyang sagot.

"Tange! Bakit mo kasi titignan yung masungit niyang mukha? Eh tignan mo nga tinitignan ka kanina pa. Kung ako sa'yo popormahan ko na yan" sagot ko naman sakanya.

"Paano ko naman popormahan? Manliligaw na ba ako? Mag bibigay ba ako ng something?" Sunod sunod niyang tanong.

"Alam mo par, ganito gawin mo." tiniginan naman niya ako at nakinig ng mabuti. "Umuwi ka maligo ka muna kasi amoy pawis ka na, mag ludlod ka para naman fresh looking ka" tawang tawa na sabi ko sakanya at inakmaan niya naman akong sasapakin.

"Pero par seryoso yon uwi ka muna at maligo, tapos magpa gwapo ka. Mag ayos ka ng damit mo, itsurang tambay ka sa kalye eh" tawa padin ako ng tawa. Mag wo-walk out na sana siya nang pigilan ko. "Ito naman! Binibiro ka lang naman!"

Seul scowled at me "Ang tino kasi ng tanong ko eh tapos sasagot ka ng ganon." pag sagot niya sakin na naka busangot.

"Biro nga lang eh. So ayon pagkatapos mo gawin yon, puntahan mo siya. Mag dala ka ng tangke ng gasul okaya kaban ng bigas" sabi ko na nagpipigil ng tawa.

"Ha? Bakit bigas? Bakit gasul?" nagtataka niyang tanong.

"Alam mo brad kahit nasa baryo tayo, di na uso kasi yung pabulaklak. Be practical par, yung bulaklak malalanta yan. Yung bigas at gasul magagamit pa nila yon." sagot ko kay Seul.

"Osige pautangin mo muna ako ng isang kabang bigas at tangke ng gasul" sabat niya naman

"Luh. Bakit ka mangungutang sakin? Haayss. Buti parekoy kita. Oo sige balikan mo nalang mamaya" sabi ko at inilista yung utang niya.

Umalis na si Seul at naisipan kong tawagan ang kapatid ko. I miss her already. Kinuha ko ang phone ko and i called her number. Di nag tagal sinagot naman niya.

*On call*

"Lisaaaa!"

"Rosé!! I missed you!"

"Aww I missed you too, kamusta ka jan? Di mo ba kailangan ng pera? Ok pa ba ang negosyo?"

"Wag ka mag alala sakin dito, ipunin mo nalang pera mo jan. Ok na ok ako dito. Ikaw mag ingat jan. Soon baka ako naman ang susunod jan."

"Sunod ka dito Lis ha? Miss na kita."

"Sempre susunod ako. Pero dito na muna ako. Oh sige na baba ko na, mag sasara na din ako eh, hinihintay ko lang si Seul para kunin yung Bigas at Gasul"

"Wait, bigas? Gasul? Why?"

"Manliligaw kay Irene, sabi ko bigyan niya ng ganon. AHAHAHAHAHAHA"

"Niloko mo nanaman ahahah. Osige na, bye Lis. Ingat ka jan ha? Love you!"

"Bye chaeng! Ingat ka din jan. Love youu"

*End call*

Nakipag sapalaran si Rosé sa Maynila, para sa amin dalawa. Nung kumita siya ng malaki agad niya pinadala sa akin para mag tayo ng negosyo at yun naman ang nag umpisa sa akin dito, lumago ang negosyo. Rosé is a singer and song writer. Halos pareho kami pero di naman pwede na sabay kaming makikipag sapalaran sa Maynila.

Nag liligpit na ako para mag sara nang dumating na si Seul at kinuha ang Bigas at Gasul at nag paalam na. Nag sara na din ako para makauwi na dahil maaga pa ako bukas.







*To be continued*
Magkikita na kaya sila?? 🤧
Btw, JenLisa naka aim yung story kaya wala masyadong side story sa other characters. 🖤

First Love | JenLisa (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon