Chapter 24

1.5K 39 0
                                    


Zyro Jake Pov.

Pagkatapos umalis ni lorie ay napaluhod nalang ako at doon nagsimulang maglabasan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan..
Tumingin ako kay monique na kanina pang tahimik na nanonood at mababasa sa muka nito ang saya

"Ano masaya kana sa nangyari , wala na kami!!" Sigaw ko dito , ngunit tumawa lang ito na para bang nababaliw na

"Oo sobrang saya ko ngayon lalo pa nung nakipaghiwalay ka sakanya ,, ipagpatuloy mo lang yang ginagawa mo at sinisiguro ko sayo na walang mangyayaring masama sa pinakamamahal mong babae"

Umusbong naman ang galit sa dibdib ko ,duwag nga talaga ako hindi ko kayang ipaglaban si lorie , pero alam ko sa sarili ko na wala akong laban sa mga montereal kahit na mayaman ako ay hindi sapat iyon ....

"Pero wag kang aasa na mamahalin ulit kita katulad nang pagmamahal ko sayo dati " pagkatapos kong sabihin yun ay tumayo nako at iniwan sya doon
••••••••••••••
Kishana Lorie Pov.
"Hoyy lorie sino yung naghatid sayo, hindi pamilyar yung sasakyan "tanong ni nicky na naroon ang mapanuring mga mata

"Si cleo" malumanay kong sabi
"Sinong cleo?, hindi naman siguro yung ex fiancée mo na si cleo dahil matagal na naman kayong hindi nagkikita"balewala nitong sabi

"Sya nga nicky si cleo wala nang iba"

"What! "Nanlaki ang mata nito
"You mean sya nga talaga" kayat tumango ako
"Alam na ba ito ni zyro, tsak na magagalit yun kapag nalaman nyang si cleo ang naghatid sayo
"Wala na kami nicky"malungkot na sabi ko dito , hayss eto na naman ang mga pesteng luha na gusto na namang tumulo wala nabang katapusan

"Ano! Myghadddd lorie andami namang nangyaring rebelasyon ngayong araw sa buhay mo , di kinaya nang beauty ko" sabi nito habang pinapaypayan nang kamay ang sarili

"Tapatin mo na ako lorie , ano ba talagang nangyari sa inyo ni zyro at bakit umabot sa hiwalayan ?"

"Wala akong magagawa , ayaw nya na eh ,sino ba naman ako para ipilit ang sarili ko sa lalaking Awa nalang pala ang mayroon para sakin , magmumuka lang akong desperada"

Third person Pov.

Lumipas ang ilang linggo na isinubsob ni lorie ang sarili sa trabaho para man malimutan nya man lang saglit ang kalungkutang nararamdaman ,
•••••••••••••••••••••••••

Kishana Lorie Pov.

Kakauwi ko lang galing trabaho , hayss kapagod naman
"Nicky !" Sigaw ko

"Ano bang hinihiyaw mo dyan"pumasok si nicky nang naka office attire , bah ang gaga kadarating lang himala late syang umuwi ngayon

"Bakit ngayon kalang?"tanong ko
"Kasi naman inasikaso ko pa yung mga papeles na kailangan nang pirma ko" buntong hininga nito sabay upo

"Paano yan , gutom nako"nakanguso kong sabi

"Maybe pwede tayong lumabad para kumain" nagulat kami ni nicky nang may magsalita sa bukana nang pintuan nang apartment

"Oh cleo ikaw pala yan" sabat ni nicky
"Ahhh wag nalang cleo nakakahiya naman"saad ko dito
"Yun nga ang pinunta ko dito eh para ayain ka sanang kumain sa labas
"So hindi pala ako kasama ganon"nagtatampong pahayag ni nicky , panget nya kapag ganan sya
"Syempre kasama ka" natatawang sabi ni cleo
"Eh ano pang ginagawa natin lorie magpalit na tayo nang damit , wag pagantayin ang pagkain , myghad"sabi ni nicky sabay pasok sa kwarto para magpalit kayat ganon nadin ang ginawa ko

Dinala kami ni cleo sa mamahaling restaurant ,grabe kakain lang naman bakit sa mahal pa nya kami dinala

"Oh oh "narinig kong sabi ni nicky at tsaka tumingin sa tinitingnan nya

Kaya pala ,si zyro at monique kumakain ,hays iniiwasan ko na nga sila pero tadhana talaga masyadong mapaglaro , dadaan kasi kami sa harap nila dahil sa pinakadulo kami itinuro ng waiter kayat sumunod nalang ako sa dalawang nauunang maglakad , pero itong si nicky umiral na naman ang pagiging talakera ,nung nasa tapat na kami  nang table nina zyro at monique

"Hinay-hinay sa pagkain nang hipon , dahil ayon sa dalubhasa kung anong kinain mo ganon kadin"

"Pinatatamaan mo bako?"galit na sabi ni monique sabay tayo

"Oh bakit tinaman kaba?"balik na tanong ni nicky dito..

My Cold Boyfriend (Complete)Where stories live. Discover now