Kishana Lorie Pov.
Maswerte parin ako dahil may isang tauhan nila monique ang nagbigay sakin ng tubig , lihim nitong ibinigay sakin habang wala ang mga kasamahan nito
Bumukas ang pinto at niluwa nito ang mag-amang montereal na abot hanggang tenga ang ngisi
"Alam mo lorie ang swerte mo ang swerte mo sana dahil may kapatid at nobyo kang nagmamahal sayo , pero hanggang dun nalang yun dahil sa oras na makuha na namin ang kailangan namin ay kailangan mo nang mamatay "
"Hinding-hindi yan mangyayari" lakas loob kong sabi , ngunit humalakhak lamang silang mag-ama
"At pagkatapos mo namang mamatay , mapapasakin na si zyro "nakangising turan ni monique
"Paano ka nakakasiguradong pag namatay ako , ay mapapasaiyo si zyro?" Nang-aasar kong tanong , ngunit hinawakan lang ako nito sa muka nang madiin
"Ito ang tatandaan mo , hinding hindi ako papayag na maging masaya kayo , kung kinakailangan ko rin syang patayin ay ggawin ko" seryosong sabi nito
"Dalhin nyo nayan dahil ngayong gabi ay makukuha na natin ang kailangan natin " nakangising pahayag ni Mr. Montereal
Anong ibig nilang sabihin at anong kailangan nila ? Hindi ko maiwasang tanong sa isip ko , naputol lamang ito nang kaladkadin nako palabas ng mga tauhan nya gosh nanginginig ang mga tuhod ko pakiramdam ko bibigay na ang katawan ko
---------------
Nandito kami ngayon sa isang lumang gusali at nakita ko narin sa wakas si nicky , maliban sa galos sa kanyan katawan ay wala na syang ibang sugat na hindi tulad sakin puro pasa/latay ,sugat at kung ano-ano ang ginawa nila sakin"Nicky" tawag ko sa kanya ,at agad naman syang lumingon , halata sa muka nya ang pagkagulat dahil narin siguro sa itsura ko ngayon, akmang lalapit sya sakin ng tutukan sya nang baril ng nagbabantay sa kanya...
"Boss nandito napo sila" sabi nang lumapit na tauhan kay Mr. Montereal , matapos nung huling usap namin kanina ni monique ay hindi ko na sya nakita , wala sya dito
"Good" may galak sa boses ni Mr.Montereal
YOU ARE READING
My Cold Boyfriend (Complete)
Teen FictionI'm Krishana Lorie Perez 24 years old,, boyfriend ko lang naman ang sinasabi ng bestfriend ko na sinlamig ng yelo na kung tawagin nya ay my cold boyfriend,, his name is Zyro Jake Roswell..