Chapter 29

1.4K 38 0
                                    

"Bakit sakin kayo nagagalit?"naiinis na tanong ni monique sa kanyang ama

"Bakit ako sayo nagagalit? Dahil dyan sa kapalpakan mo , magpapapatay ka na nga lang ayaw mo pang linisin ng maayos ang kalat mo!!"galit na sigaw sa kanya ni richard

"What do you mean dad?"naguguluhang tanong ni monique

"Nalaman na ng Jiro perez na yun ang tunay na nangyari , at dahil yan sa katangahan mo!"

"Nalaman ng mga pulis ang ilan sa mga ilegal bussiness natin ng dahil sa Jirong yun, at nasisiguro ko din na hindi sya titigil hanggat hindi tayo bumabagsak at nagtutulungan pa sila ng ex boyfriend mo talagang sinusubukan nila ako"

"Ano ngayon ang gagawin natin ngayon dad?" Tanong ni monique sa nakatalikod na ngayong ama

"Henry"tawag ni richard sa isa s mga tauhan nya

"Sir?"

"Maghanda kayo pupunta tayo sa jiro perez na yun"

"Yes sir" sagot nito at lumabas

"Dad anong pinaplano mo?" Tanong ng nakangisi na ngayong si monique

"Kahit ang isang Jiro perez at zyro jake roswell ay may kahinaan rin ,at doon natin sila pupuntiryahin"

Jiro Perez Pov.

Alam kong nakarating na sa mga montereal ang ginawa ko , hindi ko alam ang pinaplano nila pero nasisiguro ko na hindi nila ito palalampasin kilala ko sila kahit ang pumatay ay kaya nilanv gawin , madumi silang maglaro kaya sa larong pinasukan ko kaylangan ko nang talino sa pagiisip ,

Natigil ako sa pag-iisip ng tumawag ang sekretarya ko sa intercom

"Sir nandito po Si richard montereal , kakausapin daw po kayo " sinasabi ko na nga ba, nagsisimula na

"Papasukin mo" sabi ko at tumingin sa mga buildings na napapalibutan ng kompanya ko hanggang sa narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto ng opisina ko, kayat lumingon ako dito

"Siguro alam mo na kung bakit ako nandito Mr. Jiro Perez" nangaasar nitong sabi , kayat napangisi nalang ako

"At siguro din alam nyo na kung bakit ko ginawa yun" pambabalik na asar ko dito ...kitang kita ko ang pagbabago ng kanyang muka bilang seryoso at tumititig ng matalim sakin

"Sobrang laking pera ang nawala sakin, at ang lahat ay may kabayaran "seryoso nitong sabi, kailan man ay hindi pa ako nasisindak ng mga ganitong pagbabanta

"At muntik nang mawala ang kapatid ko nang dahil sa anak mo , I think it was fair " nakangisi kong pahayag.......pero tumawa lang ito ng malademonyo

"Wala akong pakealam kung mamatay man ang kapatid mo , basta ang akin lang sisingilin ko kayo ng zyrong yun dahil sa ginawa nyo"pagbabanta nya

"Akala mo ba ay natatakot ako sa pagbabanta mo" seryosong sabi ko

"Hindi ako nagbabanta ,nagpapaala lang "

My Cold Boyfriend (Complete)Where stories live. Discover now