"Hindi ako naniniwala sa love nayan , pero nung ipinakilala ka sakin ng kapatid ko , dun na yata ako nahulog sayo pero binalewala ko , umalis ako ng bansa para takasan kung ano mang nararamdaman ko sayo, akala ko pagbalik wala na , pero nung nakita kita ulit parang sasabog ang dibdib ko sa kaba alam mo bang , pinipilit ko lang umaktong hindi apektado sa presensya mo na kahit ang totoo ay ikaw lang ang laman ng puso't , isip ko , alam ko sa sarili ko na kahit ilang babae pa ang iharap sakin, ikaw at ikaw parin ang babaeng pipiliin ko , siguro nagtataka ka kung bakit ngayon ko lang sayo sinabi ang nararamdaman ko , alam mong hindi ako vocal pagdating sa nararamdaman ko , nasanay ako na kung san lang ako komportable don lang , pero ngayon na muntikan ka nang mawala parang di ko kaya , baka habang buhay kong pagsisihan kung hindi ko masabi sayo nicky , matagal na kitang Mahal " mahabang sabi nito, na mababasa sa mga mata nito ang sinseridad , unti-unting nagsipatakan ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan , so all this years akala ko ako lang yung nag-aassume na magkakagusto sya sakin , hindi ko alam kung maiinis ba ako O magdidiwang dahil pareho pala kami ng nararamdaman sa isat-isat , pero baka makawala pa kaya hindi nako magpapakipot , eto na yung time na hinihintay ko omeghaddddd
Pinunasan nya ang mga butil ng patak ng luha sa mga pisngi ko
"Wag ka nang umiyak , ampanget mo pala" ani nito sabay halakhak, dahil don nawala ang kilig na nararamdaman ko
"Panget ako!!?" Nakataas ang kilay kong tanong kay jiro na ngayon ay pigil nasa tawa
"I'm just kidding baby" sabi nito , na nagpatibok na naman sa lintik kong puso sa huling sinabi nito
"Now , can I" putol nito sa sinabi nya
"Can I ?" Naguguluhang tanong ko
"Can I court you?" Nakangiti nitong tanong , bigla namang may pumasok sa isip kong kalokohan
"Ayoko" sabi ko sabay iling , kayat nagulat ito
"WHAT!!"
"Ayoko nga" ani ko dito
YOU ARE READING
My Cold Boyfriend (Complete)
TeenfikceI'm Krishana Lorie Perez 24 years old,, boyfriend ko lang naman ang sinasabi ng bestfriend ko na sinlamig ng yelo na kung tawagin nya ay my cold boyfriend,, his name is Zyro Jake Roswell..