Zyro Jake pov.
"Damnnn!!paanong nangyari na nakalabas sila , diba kabilin-bilinan ko na na wag silang palalabasin "galit na asik ni jiro habang kausap ang mga tauhan, hawak na ng mga montereal si lorie kasama nito si nicky nangyari na ang kinatatakutan ko
"Na corner po ang sinasakyan nila, pagdating po namin sa pinangyarihan nun patay napo ang limang kasamahan namin na nagbabantay kina Mam lorie"pagpapaliwanag ni jack
"Jiro , wala ng magagawa kung pagbubuntunan mo nang galit ang mga tauhan mo"
"Kailangan nating mag-isip kung paano mababawi si lorie at si nicky"
"Napakatigas kasi ng ulo ng dalawang yun" dugtong pa ni jiro alam kong kinakaban sya sa pwedeng mangyari , ako rin pero kung galit ang paiiralin namin ay hindi kami makakapag isip ng maayos
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si lance
Kring....kring....
"(Yow bro,napatawag ka , may problema ba?)" Sagot nito sa kabilang linya
"Lance ihanda mo lahat ng mga tauhan ko"
"(What?! Why!? Ano bang nangyari at biglaan naman yata )"
"Wag ka nang magtanong tsaka ko nalang ipapaliwag sayo"
"(Okay)" narinig kong bumuntong hininga sya sa kabilang linya, pagkatapos nun ay pinatay ko na ang tawag at tumingin kay jiro na kanina pang nakikinig sa usapan namin
"Ano mang oras ay siguradong tatawag na ang mga iyon" seryosong ani nito
"Hindi ba natin ito ipapaalam sa mga pulis" suhestyon ko
"Hindi muna sa ngayon, delikado pa.
Kishana Lorie Pov.
Nagising ako dahil sa mumunting liwanag na tumatama sa aking muka, masyadong malabo pa ang aking paningin para makita kung sino man ang taong nakatayo sa aking harap, kayat pikit,mulat ang aking ginawa nung naging malinaw na ay tsaka ulit ako bumaling sa tao, mali ako mga taong marami sila pero isa lang ang umagaw nang pansin ko hindi ako maaaring magkamali
"Mo-monique"yun nalang ang nasambit ko matapos makita nang malinaw ang kanyang nakangising muka
"It's nice to see you again lorie"
"Anong kailangan nyo samin , at nasan si nicky?!"kinakabahan kong tanong , at nilibot ang ang paningin sa kabuan ng buong kwarto kung nasaan ako , ngunit nabigo ako nung walang nicky na nasa paligid
"Marami kaming kailangan sayo, at kung hinahanap mo ang kaibigan mo , wag kang mag-alala nasa kabilang kwarto lang sya" sambit ni monique sabay halakhak
"At isa pa si zyro pagkatapos nito mapapasakin na sya"
"Hindi yan mangyayari, wala na syang pakealam sayo ,kasi nababaliw kana!!"sigaw ko dito ngunit nagulat ako kasabay nun ang paglapat ng kamay nya muka ko, ang sakit parang puno nang hinanakit yung sampal nya sakin, kasabay din nun ang pagtulo ng luha ko
"Kung tutuusin kulang pa yan , sa dami ng atraso mo sakin"ani ni monique habang hawak na ang aking buhok, hindi ko mapigilang hindi mapasigaw dahil sa higpit ng sabunot nya nadala yata pati anit ko doon
"Tsaka mo na gawin yan monique kapag nakuha na natin ang kailang natin sa nobyo nyan at kapatid"tinig yun nang kakapasok lang na lalaki
"Dad hindi ko maiwasan , kahit isang sampal pa" sabay halakhak ni monique at akmang sasampalin ulit ako
"Stop it monique, may iba pang pagkakataon , hayaan mong sulitin muna nya ang mga natitirang araw nya sa mundo" ani nung tinawag ni monique na ama nya, nagulat ako ayoko pang mamatay , kuya, zyro tulungan nyo kami dito , sabi ko sa isip ko na may kasamang dasal
"Ok dad " tumingin sakin si monique
"Hindi nyo sya dadalhan ng tubig o pagkain" dugtong pa nya..
YOU ARE READING
My Cold Boyfriend (Complete)
Teen FictionI'm Krishana Lorie Perez 24 years old,, boyfriend ko lang naman ang sinasabi ng bestfriend ko na sinlamig ng yelo na kung tawagin nya ay my cold boyfriend,, his name is Zyro Jake Roswell..