Chapter 41

1.1K 32 0
                                    

Zyro Jake Pov.

Hindi ko mapigilang magalit o malungkot dahil sa itsura ngayon ng babaeng mahal ko , ni sa panaginip ay hindi ko akalaing mangyayari ito , marahil ito na ang karma ko dahil sa mga ginawa ko noon ,pero bakit hindi nalang sakin nangyari bakit sa kanya pa ,hindi ko matanggap

Nakatingin lamang ako ng deretsyo sa kanyang mga mata na mababasa mo dito ang lungkot , sakit at pighating nararamdaman nya

Naalis lamang ang tingin ko sa kanya ng magsalita di richard

"Dala nyo naba ang napag-usapan natin"nakangiti na may halong pang-aasar na turan nito

Tinanguan lamang ni Jiro ang mga isa sa mga tauhan upang ibigay ang isang envelope

"Nandyan na ang mga dokumento na nagpapatunay na nailipat na sa pangalan mo ang lahat sa amin" ani ko

Kayat kinuha ito ng isa sa mga tauhan ni richard at ibinigay dito, agad namang binuksan at binasa nito ang dokumentong nasa loob nito at sumilay sa muka nito ang isang malademonyong ngisi

"Gaya nang sinabi ko pakakawalan ko ang nobya mo at ang kaibigan nya" sambit nito , kayat nabawasan ang kabang nararamdaman ko para kay lorie

"Pero hindi ko sinabing buhay sila kapag pinakawalan ko"ani nito at inutusan ang mga tauhan nya na tutukan ng baril sina lorie , kayat hindi ko mapigilang mapahakbang , ngunit iniharang lamang ni jiro ang kamay nya para pigilan ako , kayat napatingin ako sa kanya na walang reaksyon ang muka

"Marahil mas matanda ka sa amin Richard Montereal at lamang ang kaalaman mo sa mga ganitong pangyayari ,ngunit hindi ibig sabihin nun na wala nang hihigit sayo"seryosong turan ni Jiro , hudyat na ito , kayat itinaas ko ang kaliwang kamay ko ,nagsilabasan ang marami naming tauhan at nakapalibot na ito habang nakatutok sa mga kalaban ang mga baril , halata sa muka ni richard ang pagkagulat dahil hindi nya inaasahan ito dahil bago pa man kami pumunta dito ay napagplanuhan na namin ni jiro ay mangyayari.......

My Cold Boyfriend (Complete)Where stories live. Discover now