Zyro Jake Pov.
"Sir pwede na daw po kayong pumasok" sabi ng sekretarya ni jiro kayat ngumiti at tumango nalang ako bago pumasok
"Have a sit" nagulat naman ako nang inaya akong umupo ni jiro pero nandun padin ang pagiging seryoso sa kanyang muka
"Anong kailangan mo, at ikaw pa mismo ang pumunta dito para makausap ako?" Tanong nito , kayat lakas loob akong nagsalita
"I need your help, kailangan kong maisalba ang kompanya ko sa pangiipit ng mga montereal dito, alam kong matutulungan moko sabihin mo nang makapal ang.muka ko para manghingi ng tulong sayo matapos ang ginawa ko sa kapatid mo "lakas loob kong sabi at tumitig sa mga mata nito
"Tsk. Fine tutulong ako , kahit hindi related ang bussiness ko sa bussiness mo , ibigay mo sakin lahat ng listahan ng mga investors mo na hinarang ng mga montereal , pero hindi ko masisiguro sayo na magiging madali ito"mahabang sabi nito , habang pinaglalaruan ang mamahalin nyang ballpen......
"Thank you " sabi ko
"Wag mong isiping tinitulungan kita, dahil may kapalit to zyro kilala moko hindi ako tumutulong ng walang kapalit lalo na malaking pera ang ilalabas ko" seryoso nitong sabi at tumitig narin sa mga mata ko kayat napaiwas nalang ako
"Sabihin mo ,ano?" Kinakabahan kong tanong pero tumawa lamang ito
"Sigurado kang kaya mong gawin ang hihilingin ko ?"
"Spill it jiro "
"Layuan mo ang kapatid ko" natuod ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang mga salitang yun na nagpa-ulit ulit sa pandinig ko .....masakit na sakin at labag sa loob ko ang pakikipaghiwalay kay lorie ,,,pero ang layuan pa sya parang hindi ko na kakayanin.
"Ano zyro mamili ka , ang maisalba ang iniingatan mong kompanya o ang babaeng alam ko ay may hawak na ngayon ng puso mo ?" Seryosong tanong ni jiro at hindi parin inaalis ang titig nya
"Jiro kahit anong hilingin mo wag lang ang layuan ang kapatid mo , mahal ko sya " hindi ko maiwasan ang pagkabasag ng boses ko , parusa ko ba to sa pakikitungo ko kay lorie noon
"My Time is gold zyro ngayon palang magdesisyon kana"
"Mas gugustuhin ko pang bumagsak at mawala ng tuluyan ang kompanya ko ,kaysa mawala ng tuluyan ang babaeng mahal ko " sabi ko habang pilit na tinatatagan ang boses
"So sinasabi mo ba na si kishana ang pinipili mo kaysa maisalba ang kompanya mo?"
"Oo,,,,, kaya ko lang naman sya iniwan dahil iniisip kolang ang kaligtasan nya" Sabi ko at buo na ang desisyon , tumayo si Jiro sa kinauupuan at lumapit sakin
"Hanga ako sa pagsasakripisyo mo kaya mong mawala ang kompanya mo kaysa mawala ang kapatid ko, kaya napagdesisyonan ko na tutulungan kita ,,,, yun kanina sinusubok ko lang kung hanggang saan ang pagmamahal mo sa kapatid ko , ngayon napatunayan ko na yun" sabi nito at ngumiti......
YOU ARE READING
My Cold Boyfriend (Complete)
Novela JuvenilI'm Krishana Lorie Perez 24 years old,, boyfriend ko lang naman ang sinasabi ng bestfriend ko na sinlamig ng yelo na kung tawagin nya ay my cold boyfriend,, his name is Zyro Jake Roswell..