Chapter 33

1.2K 43 0
                                    

Kishana lorie Pov.

Nakarating na kami sa mansyon namin dahil dito muna daw kami, sabi ko nga kay kuya bakit hindi nalang kami ni nicky sa condo kung ayaw nila sa apartment pero masamang tingin lang ang sinagot nito ,kayat hindi na ulit ako nagtanong , pero may napansin ako kayat hindi ko ulit napigilan ang sarili kong magtanong dahil napansin kong maraming mga bantay na nakapalibot sa loob at labas ng mansyon

"Bakit ang dami naman yatang bantay dito kuya?"takang tanong ko

"For our safety" yun lang ang sinabi nya at dumeretsyo na sya papunta sa kwaryo nya,kayat tumingin ako kay zyro na prenteng nakaupo at deretsyong nakatingin sakin habang pinagmamasdan ang kabuuan ko, hindi ko mapigilang mailang sa mga tingin nya

"Zyro may dumi ba ko?" Takang tanong ko , kayat natawa lang ito at umiling

"Wala naman , gusto lang kitang titigan buong araw kung pwede nga lang" sabi nito sabay buntong hininga, pinagpag nya ang kamay nya sa may sofa ng nakatingin sakin , gusto nya kong tumabi sa kanya kayat lumapit ako dito , pero nagulat ako ng hilahin nya ang kamay ko at napaupo ako sa lap nya , myghadddd namumula na yata ang muka ko sa kilig .......

"Mawalang galang na sa mga naglalandian dyan sa tabi-tabi may tao po dito, baka nakakalimutan nyo" pagpaparining ni nicky , kayat natawa nalang kaming dalawa ni zyro

"Bakit hindi mo sundan si kuya jiro sa kwarto nya"pang aasar ko dito, kaya ang gaga namula na naman

"Tumigil ka nga porket kayo na ulit ng boyfriend mong yelo"sabi nito

"Anong tawag mo sakin?"may asar sa tanong ni zyro

"Bakit totoo naman ah yelo"nangaasar na ulit ni nicky

"Oh kung ang tawag mo sakin ay yelo , anong tawag mo sa sarili mo future wife of jiro perez "nakangising asar ni zyro sa namumulang si nicky ,

"Walanghiya kayo pinagtutulungan nyo ko"pinagbabato kami nito ng unan na nasa sofa , kayat kaming dalawa ni zyro ay todo iwas habng tumatawa.
Natapos ang gabing yun nang tawanan naming tatlo ,dito nga pala natulog si zyro pero sa guest room sila ni nicky marami naman kasing bakanteng kwarto para sa mga bisita

Kinukusot kusot kopa ang mga mata ko dahil kagigising kolang bigla naman pumasok sa isip ko yung kagabi sana ganon nalang kasaya palagi yung walang problema at iniintindi , natauhan ako nang may kumatok sa kwarto ko , kayat dumeretso ako sa pinto at tingnan kung sino ang kumakatok

Nang buksan ko ito ay nakita ko ang nakatayong si zyro habang deretsyong nakatitig sakin

"Hmmm breakfast is ready"ani nito
"Ahh susunod nako "sabi ko sakanya, gusto ko munang maligo kasi parang ang lagkit ko na, tumango lamang ito , pero laking gulat ko nang pumasok ito sa kwarto ko at umupo sa kama

"Hihintayin na kita , sabay na tayong bumaba"ani nito , myghaddd aga aga nagiinit na agad ang muka ko, kayat hindi nako nagdalawang isip na pumasok sa banyo at naligo

Sabay kaming bumaba ni zyro at pumunta sa dining room at naabutan namin si kuya jiro at nicky na tahimik lang na kumakain , agad akong lumapit kay kuya at humalik sa pisngi nito

"Good morning kuya" masiglang bati ko dito , pinaghila naman ako ni zyro nang umupuan at umupo narin sya sa tabi ko

"Good morning" balik na bati nito , kayat tumingin ako kay nicky na tahimik lang na kumakain , nagpabalik-balik lang ang tingin ko sa dalawa

"Lorie don't mind them eat your food"bulong ni zyro sa tabi ko , kayat kumain nalang ako nang tahimik

"Sya nga pala habang wala kami ni zyro ay bawal kayong lumabas, kung may kailangan kayo ay marami naman dyan tayong mga tauhan" malumanay na sabi ni kuya jiro
"Pero kuya , may trabaho ako"angal ko dito
"Nagpadala nako dun ng resignation letter mo" nagulat ako sa sinabi nya , bakit ba lagi nalang nya kong pinangungunahan .....magsasalita na sana ako nang maramdaman kong hinawakan ni zyro ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng table

"Makinig ka na lang sa kuya mo , para naman to sa ikakabuti mo"

My Cold Boyfriend (Complete)Where stories live. Discover now