1

14 3 1
                                    

"Where the hell were you? Everyone's looking for you. I've been texting you all night and you're not even answering my phone calls. Sa tingin mo ba 'di kami nag-aalala sa'yo? You are not a child anymore, Angel! Grow up!" I slowly look at my dad to see if he's really mad, but I regretted it. He looks like he's about to explode because of anger.

"Calm down, dad. I was just bored at gusto kong magparty kaya umalis ako. And it was not my fault na hindi ko narinig 'yung pagring nung phone ko, sisihin mo po kaya 'yung dj?" okay, I'm just trying to be smart at gumawa ng excuse para 'di ako mapagalitan and I think it's a bad idea. Mas lalong tumalim 'yung tingin niya sa akin.

"Gusto mong magparty kaya umalis ka sa sarili mong party? Nakakahiya sa mga bisita! Pumunta sila dito para sa'yo and yet wala ka? Kung ano-ano na ang mga naisip namin na nangyari sa'yo tapos 'yun pala nagliliwaliw ka lang?" dapat pala mamaya na ako umuwi para siguradong tulog na sila.

"Mom, help me. I wanted to go to my room and my head really hurts. Please?" nagpuppy eyes pa ako kay mommy para lang makatakas kay dad. Ito ang palagi kong panlaban kapag nagagalit siya sa akin. 'Di niya kayang tanggihan si mom at hindi rin ako kayang tanggihan ni mom. It's not like I'm taking advantage of her, gusto ko lang talagang umakyat na sa room ko.

"Huwag mo akong masimulan sa kakaganiyan mo, Angel. Hindi na gagana sa akin 'yan. Sumusobra ka ng bata ka. You need to learn your lessons." oh my gosh, i really wish that I didn't went home early.

"Hayaan mo na 'yung bata, Leonardo. Mukhang pagod na, 'wag mo nang sermonan." pag-awat sa kaniya ni mom, lihim ko siyang nginitian dahil don. Pero agad ko ring binawi dahil napatingin sa akin si dad.

Yes! Haha!

"But this kid really needs to get some scolding. Lagi kasing pinagbibigyan kaya ayan, umabuso." my dad softens. Nawala 'yung kaninang galit na galit, mukhang bibigay na. I knew it!

"She's just a kid. Ganiyan talaga, parang hindi ka naman dumaan sa pagkabata. Gusto niya lang mag-explore." thank you, mom.

"I'm going to my room, goodnight mom... and dad." i quickly turn away and start walking towards my room.

"We are not yet done. Mag-uusap pa tayo bukas."

I just rolled my eyes.

Pagkapasok ko sa kwarto agad akong sumalampak sa kama at pumikit. Sumakit 'yung ulo ko dahil sa lakas ng boses ni dad. I mean, I know that I am at fault.

It is my birthday today, or was yesterday because it is already midnight. And it's kinda suffocating so I left. Besides, 'di ko naman gusto ng birthday party. Duh! I can have my own party at ako lang ang invited, ayaw ko makipagplastikan sa mga tao.

Shame that I even saw Elli before I sneak out. Imagine, I am wearing a long silk gown which is fitted, and then tumalon ang sa bintana. Hindi naman kataasan yung bintana kaya madali ko lang nagawa 'yon and hindi ko naman iririsk na tumalon kung mataas 'yon. Akala ko mabubuko na ako nung makita kong may tao na nakatingin sa akin pero biglang gusto kong mapakanta nung makita ko na si Elli 'yon. But, nakakahiya na 'yung nakita niya ako na tumalon mula sa bintana, ayoko nang dagdagan 'yon.

"Uhm, hi?" I even waved my hand.

NAKAKAHIYA!

Me and my awkward social skills, grr.

Tinignan niya ako nang maigi at tinaasan ako ng kilay. Oh my gosh, Elli! How dare you flirt with me?

Muntik na 'kong mapangiti dahil doon pero buti na lang napigilan ko 'yung sarili ko. Ang harot ko!

"What are you doing?" he asked.

"Nothing!" nagpanic ako kaya medyo napasigaw ako. Mas lalo niya akong tinaasan ng kilay.

Uh, puwede ba Mr. Arcas pakibaba ng kilay? Nakakadistract.

Buti na at tinalikuran niya na ako kasi baka mayaya ko pa siya na sumama sa akin.

It was embarrassing, i know. I don't know how to act in front of Elli. I don't like him, okay. I just have a crush on him. Gusto ko lang magpapansin, 'yun lang.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at kinuha ang aking laptop. Dumapa ako habang tinitingnan ang social media account ko. Nothing new. I turned it off.


Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school para tumambay. Usually ganitong oras talaga ako pumapasok dahil ayaw ko nang nakikipagsiksikan sa mga tao. Honestly, ganitong oras kasi pumapasok 'yung mga college students. Hehe.

Naupo ako sa bench sa tapat ng entrance ng college dept. Nasa loob lang kami ng iisang campus pero nasa kabilang side kami at sila naman ay nasa kabila.

I was listening to some music nang may dumaan sa harap ko. Ang iingay naman ng mga 'to, naka-earphone na ko't lahat nakakabulabog pa rin ang mga boses.

Tinignan ko sila nang masama pero nagulat ako nung makita ko na barkada nila Elli 'yon.

May babaeng nakadikit kay Elli at pilit  itong kinakausap. Tumatango lang ito sa mga sinasabi nung babae kaya nagtaka ako kung nakikinig ba talaga to. Girlfriend niya ba yon?

Nevermind, baka kaklase lang. Oa lang talaga imagination ko.

"Ang aga mo na naman pumasok ah. Anong ginagawa mo?" hindi ko napansin na dumating na si Selene.

Hindi ko siya sinagot, tinignan ko nang masama 'yung kamay nung babae na biglang humawak sa braso ni Elli.

"Ay bingi? Hello? Angel nandiyan ka ba?" umupo siya sa tabi ko.

Binaling ko ang tingin ko sa kaniya, "Kilala mo ba 'yung babae na nakalingkis kay Elli?"

Lumingon siya sa direksyon ng tinitignan ko, "Wow maka-Elli, close kayo?" inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang pagtingin ng masama doon sa kamay nung babae. Wala ba siyang balak na tanggalin 'yon?

"Kasama nila kuya 'yan kahapon na umuwi sa bahay. Kagrupo ata or kabarkada, i don't know." nilabas niya ang notebook niya at nagsimulang magsulat ng kung ano roon.

"Talaga? Bakit parang ngayon ko lang siya nakita?" tanong ko.

"Aba malay ko sa'yo! Baka nalingat ka nang tingin. Hala lagot ka! Mukhang nauunahan ka na." humalakhak siya sa sarili niyang sinabi.

Nang makalagpas sa amin 'yung grupo nila ay binalik ko na 'yung earphone sa tenga ko. Maya maya lang ay tumunog na rin ang bell.

Habang papunta kami sa room nakasalubong namin si Jacob. Huminto ito sa harap ko para sana kausapin ako ngunit nagtuloy tuloy lang ako ng paglalakad.

"Hindi ka lang bingi, bulag ka rin. Kita mong kakausapin ka nung tao tapos 'di mo man lang pinansin." saad ni Selene.

"Hello? Wala na kaming dapat pag-usapan. Tapos na kaya kami." dumiretso ako sa upuan ko pagkapasok namin sa room.

Sumunod naman siya sa tabi ko, "I thought crush mo yun?"

"Ex-crush. Kaso nagkagusto na rin sa akin e, so ayoko na."

"Tsk tsk. Talagang walang tatagal sa'yo kung ganiyan ka." umiiling na saad niya.

Nanlalaking mata akong tumingin sa kaniya, "Meron kaya! Si Elli! Suplado naman kasi nung kuya mo e."

"Correction, KUYA Elli. Wala ka ng chance don. Hanap ka na lang ng iba."

"Napakasupportive mo naman po, grabe." inirapan ko siya. "Kung pumunta kaya ako sa inyo mamaya?"

"'Wag ka na mag-abala, wala si kuya mamaya. Doon daw siya sa bahay ng kaklase niya matutulog."

Hindi ko na siya nasagot dahil dumating na si sir.

Sino kayang kaklase? Baka naman doon sa babaeng kasama niya kanina?

Pinilig ko ang ulo ko para maalis 'yon sa isip ko. Ayaw kong masira 'yung mood ko dahil sa walang kuwentang bagay.


Empty PartsWhere stories live. Discover now