3

12 3 5
                                    

Maaga akong gumising ngayon kahit na mamayang tanghali pa ako pupunta sa school. Kailangan ko mag-exercise kasi minsan lang kami magkaroon ng time para sa ganito. Lalo na't busy na kami sa school. 'Di ko naman kailangan mag-exercise kasi kasali naman ako sa dance club pero wala lang, nasanay na ako.

Actually, wala naman akong papasukan na klase ngayon, kapag may ganitong performance sa mga club, excuse kami. Magpapractice lang kami dahil may performance kami para sa intramurals, kung hindi niyo alam grade 12 pa lang ako. Hindi ko alam kung sasali sa amin yung college dept. kasi usually ay may sarili silang activity. Sana lang para magkaroon ako ng chance kay Elli, hehe.

Since kumain kami sa labas kahapon, ang in-exercise ko ay 'yung sa tyan ko. Sometimes I do ab workouts pero hindi masyadong intense kasi ayoko naman magkaroon ng abs. Minemaintain ko lang 'yung pagkaflat ng stomach ko.

Pagkatapos ko sa tyan ko, in-exercise ko naman yung sa butt ko. Kasi flat na nga sa harap, ayaw ko naman na pati sa likod. Nung tapos na 'kong mag-exercise, nagpahinga lang ako saglit bago ako naligo. Hindi ako nag-aalmusal kasi diet nga ako.

Hindi na ako nag-uniform, nagsuot lang ako ng leggings, oversized na v-neck shirt, at rubber shoes. Yes po, oversized. Tipong hanggang pwet ko na, hindi kasi ako komportable na nagsusuot ng fitted na damit habang nagpapractice.

Pagdating ko sa school, pumunta muna ako sa room para tignan kung nandoon si Selene at Cara. 'Di man lang ako tinext ng mga bruha. Tumambay na lang muna ako sa bench sa harap ng entrance sa college dept. Kailangan ko muna ng inspiration para naman ganahan ako sumayaw.

Hinalungkat ko 'yung dala kong bag para kuhanin 'yung cellphone ko, itetext ko 'yung dalawa. Baka mamaya kung ano na mga pinaggagagawa nung mga 'yon.

Halos limang minuto na akong nagkakalkal ng bag ko pero hindi ko pa rin makita yung phone ko. Ang liit-liit ng bag na dala ko ngayon, saan na naman nagtago 'yung lecheng cellphone na yon? 

Sa sobrang inis ko ay binato ko 'yung notebook na nasa bag ko. Ang laki laking harang, nakakainis. Mamaya ko na pupulutin 'yon, wala namang magkakainteres doon e.

"Ouch! What the hell?" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko 'yung babae na nakalingkis kay Elli kahapon na nakahawak 'yung isang kamay sa ulo at 'yung isa ay hawak 'yung notebook na binato ko.

Parang gusto kong magpaparty bigla ah. Hehe.

Nilapag ko 'yung gamit ko at saka ako tumayo para lapitan siya. Tinignan niya ako nang masama. Dukutin ko mata mo diyan.

"Hindi ko sinasadya," sabi ko at saka inabot 'yung notebook mula sa kamay niya. Hindi ko nakuha 'yon dahil iniwas niya yung kamay niya. Mukhang 'di lang mata mo mawawala sayo ngayon ah, putulin ko rin kaya 'yang kamay mo.

"And so? I don't care kung hindi mo sinasadya. Look what you did, you ruined my hair!" maarteng singhal niya sa akin.

Madali akong mainis lalo na sa mga taong ganito kaarte. Pero pinili ko na manatiling kalmado, hindi ako makikipagsabayan ng pagsigaw sa kaniya.

"What would you want me to do?" I asked.

"I want you to say sorry to me. If you weren't so stupid, hindi sana mangyayari to. Bulag ka ba?" ang sarap namang sungalngalin ng babaeng 'to. Konti na lang sasapakin ko sa mukha 'to.

"Miss, magsosorry dapat ako. But you called me stupid. So i think we're even now. Give me my notebook." masungit na saad ko.

"No way, magsorry ka muna. Ikaw na nga may kasalanan tapos ikaw pa magtataray? Where's your manners?"

Sasagot na sana ako pero biglang dumating si Elli kasama 'yung mga kabarkada niya. Bakit sa ganito pang oras? Wrong timing ka lagi, Elli!

"Ang tagal mo naman bumili, Amanda. Inabot ka na ng siyam siyam," sabi ni Clint. "Oh, Hi, Angel! Nandito ka pala? By the way, I'm Clint."

Empty PartsWhere stories live. Discover now