"Shit!" sigaw ko. Sobrang sakit ng ulo ko pagkagising. Ano bang pinaggagagawa ko kagabi at umabot ako sa ganito? Parang gusto ko na tanggalin yung ulo ko dahil sa sobrang kirot.
"Buti naman gising ka na! Masakit ba? Buti nga sayo!" bungad sa akin ni Cara.
Ang aga-aga napakasungit. Kung hindi lang masakit 'yung ulo ko sinabunutan ko na 'to. Sinubukan kong tumayo pero nandilim 'yung paningin ko kaya napaupo ako bigla. Pakiramdam ko ay umiikot 'yung paligid ko. I swear hindi na 'ko iinom kung ganito lagi ang mararamdaman ko sa tuwing maglalasing ako.
Nagsisisi tuloy ako na sobra akong nagpakalasing. Halos wala akong matandaan sa mga pinaggagagawa ko kahapon. Kapag talaga nakahawak ako ng alak akala mo lagi akong mauubusan e. Hindi ko maalala kung gaano kadami ang nainom ko.
Pumikit ako nang mariin, nagbabakasaling baka mabawasan ang sakit ng ulo ko. Nakita ko na may nakahandang baso ng tubig sa side table kaya kinuha ko iyon at dire-diretsong nilagok, wala nang hinga-hinga. 'Di uso 'yon kapag masakit ulo.
Ilang minuto lang ako na nakapikit, inaadjust 'yung mata sa liwanag. Paano ba naman kasi, napakasama ng ugali nito ni Cara. Buksan ba naman 'yung bintana kita na ngang may natutulog.
"Cara," I called her. Pero patuloy lang siya sa pagkalikot sa cellphone.
"Hey, what happened last night? Nagwala ba ako sa bar?" kinakabahan kong tanong. Dahilan kung bakit hindi ako masyadong nagpapakalasing ay dahil hindi ko nakokontrol ang sarili ko at kung ano-ano na lang ang nasasabi ko na pinagsisisihan ko kinabukasan.
"Simulan mo na maghukay sa lupa." panimula niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. 'Di naman siguro ganoon kalala ginawa ko.
"Ano?"
"Wala naman," nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. Siguro hindi ako ganoon kalasing gaya nang iniisip ko. "Maliban sa sumigaw ka sa gitna ng dance floor ng, 'Wala na akong paki sayo, Elli!'" scratch that, binabawi ko na 'yung sinabi ko kanina.
"The heck? 'Di mo man lang ako inawat?" tinignan niya ako nang masama kaya nginitian ko siya. Feeling ko bad mood 'to e. "Ah, 'yun lang? Buti naman. 'Di ko naman sinasabing kasalanan mo kasi 'di mo ako inawat, pero dapat inawat mo ako. Pero 'di kita sinisisi, don't worry hehe." mas lalong sumama 'yung tingin niya sa akin.
Binalik niya 'yung mata niya sa cellphone niya bago siya nagsalita ulit, "'Di mo tatanungin kung ano ginawa mo dito sa bahay nila Selene?"
"Huh? Ano namang gagawin ko dito?" nagtataka kong tanong. For sure 'di naman importante 'yon.
"Talaga lang ha?" i looked at her. Parang may hinahanap siya sa cellphone niya kaya lumapit ako sa kaniya para makitingin, chismosa lang.
"Ang cute mo dito oh." sabi niya. Tinignan ko yung picture at muntik na akong mapamura ng malakas.
"Tangina," bulong ko dahil sa sobrang gulat at hindi makapaniwala sa nakikita. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
"I know right."
Binaling ko ang tingin ko kay Cara at binigyan siya ng tingin na nagsasabi na explain-what-happened-to-me-right-now look. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko.
Natulala ako ng limang segundo bago ako sumigaw.
"Shit, ang ingay mo! Tumahimik ka nga!" tinakpan ni Cara 'yung bibig ko. Tumigil ako sa pagsigaw, nahiga sa sahig at naglupasay doon, pagkatapos ay umupo ako at saka lumapit sa pader para iuntog ang ulo roon. Nawala bigla 'yung alak sa sistema ko, gising na gising na ang diwa ko ngayon at nararamdaman ko na sobrang init ng mukha ko.