"Saan ka nanggaling? Bakit ang tagal mo?" bungad na tanong sa akin ni Selene nang makarating ako sa cafeteria.
Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang ako sa pag-upo sa tabi niya. Dinampot ko 'yung sandwich na nasa lamesa at saka kinagatan. Lalo akong nainis dahil ang ingay ng mga tao sa paligid, 'di ba sila marunong tumahimik? Kakain lang naman sila bakit kailangan pa nila gumawa ng ingay?
"Alam mo, hindi namin alam kung kanino 'yang tinapay na 'yan." saad ni Cara.
Napabuga ako sa kinakain ko, "What the hell? Bakit ngayon niyo lang sinabi?" padabog kong binitawan 'yung tinapay sa lamesa at saka dinura 'yung kinakain ko. Nakakadiri, leche!
"Just kidding, akin 'yan." pagbibiro niya.
Sinabunutan ko siya dahil sa sobrang inis ko pero tawa lang siya nang tawa. Ang sarap bigwasan.
"Sorry, napakaseryoso mo naman kasi." tumawa pa siya, halatang nag-eenjoy siya na naloko niya ako. 'Di ako nagsalita at kinuha ko na lang ulit 'yung tinapay at sunod sunod na kumagat doon.
Nagkatinginan silang dalawa ni Cara pero hindi ko sila pinansin. Naiinis ako.
Naalala ko si Elli, naiinis talaga ako sa kaniya! Kampihan niya 'yung Amanda na 'yon hangga't gusto niya! I don't freaking care.
"Tara sa Atlas," sabi ko sa kanila. Binaba ko 'yung kinakain ko at saka ininuman 'yung hawak ni Cara na tubig, inagaw ko 'yon mula sa kamay niya.
Gusto ko pumunta sa Atlas, club nila Selene. 'Di ko makikita si Elli roon kasi may pasok ngayon. Tuwing linggo lang 'yon pumupunta doon at minsan hindi pa. Saka wala akong paki kung makita ko siya, naka-move on na ako sa kaniya kanina.
"Papayagan ka ba ni Tito?" tanong ni Selene.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Wala sila ngayon, may business trip."
Umuwi ako sa bahay at nagpahinga muna sandali bago ako nagsimulang mag-ayos. I wore a red plunge backless wide leg jumpsuit and black pumps. Nagdala rin ako ng clutch para lalagyan ko ng susi kasi ako ang susundo doon sa dalawa. Naglagay din ako ng light make-up. 'Di ko naman kailangan magpaganda kasi 'di naman ako pupunta roon para maghanap ng lalaki, pupunta ako para uminom.
Dinaanan ko muna si Cara sa bahay nila. Mas malapit kasi 'yung kanila sa amin.
"Wow naman! Hahanap ka ba ng lalaki? Ang sexy ah! Flat na flat!" tawa nang tawa si Cara dahil sa sinabi niya. Malagutan ka sana ng hininga kakatawa. Lecheng to!
"Hoy grabe ka! Flat ka diyan, meron naman kahit konti." giit ko. Palibhasa kasi biniyayaan 'to e.
"Talaga? Anong cup?"
"Baba!" sigaw ko. Tumawa lang siya nang tumawa. Makikisakay na lang manlalait pa.
Dumating kami kila Selene pero hindi pa raw siya tapos magmake-up. Pinapapasok niya kami pero sabi ko sa kotse na lang ako maghihintay.
"Oh, bakit ayaw mo? Ayaw mo makita crush mo?" inirapan ko lang si Cara. Papasok sana siya sa loob pero pinagbantaan ko siya na iiwan ko sila kapag pumasok siya.
Maya-maya lang dumating na si Selene. "Bakit hindi kayo pumasok?" tanong niya. Nakasuot siya ng mini dress na color black, mas lalong lumabas 'yung pagkaputi niya.
"Ito kasing babaeng 'to nag-iinarte." turo sa akin ni Cara.
"Dito na lang kayo matulog mamaya. May dala naman kayong damit, 'di ba?" tanong ni Selene sa amin.
"Pass," I said. Ayaw ko nga, wala naman ng dahilan para pumunta ako roon e.
"Himala! Anong nakain mo at tumatanggi ka?" gulat na tanong ni Selene. Akala mong nakakita ng multo sa sobrang laki ng mata. Oa ng gaga. "Parang kahapon lang ikaw pa nagyayaya na matutulog ka sa amin ah?"