6

5 0 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas. Sa loob ng isang linggong 'yon, wala akong ibang ginawa kung hindi magpractice. Minsan na lang ako nakakapasok sa klase dahil intramurals na bukas at stress na stress na kami.

"Angel, please. Ikaw lang 'yung isa pang nakakaalam kung paano sumayaw non. Ikaw 'yung nagturo kay Alice e. Wala na talaga tayong magagawa. Pumayag ka na," pangungumbinsi ni Mica sa akin, president ng club. Nagkasakit kasi si Alice, siya dapat 'yung magpeperform.

Magsasalita pa lang sana ako para umangal pero inunahan ulit ako ni Mica, "Please?"

"Paano ako sasayaw sa lahat-"

'Di pa ko tapos magsalita pero pinutol niya na agad ako, "No, no. Kapag pumayag ka, 'di ka na magpeperform kasama namin. Mas importante 'to kasi ito 'yung mismong performance ng club natin, 'wag mo na intindihin 'yung sa lahatan. Ano payag ka na? Please?"

Bumuntong hininga ako bago tumango, wala naman na akong choice.

"Yes! Yehey, thank you! I owe you one." niyakap niya pa ako. "Nandoon na sa studio si France, galingan niyo, okay? Bukas na 'yan."

Tumakbo siya at iniwan na ako sa gitna ng field, nagtatago nga ako sa kaniya tapos nagulat ako bigla akong hinarang dito.

Nagtungo na ako sa studio para makapagpractice kami ni France. Kung kailan kinabukasan na 'yung performance saka pa nagkasakit si Alice.

"Sabi ko na nga ba papayag ka rin, tago ka pa ha," pang-aasar sa akin ni France.

"As if naman may choice ako, Francisco." diniinan ko talaga 'yung pagkakasabi ko sa pangalan niya kasi alam ko na ayaw na ayaw niya na tinatawag siya sa buo niyang pangalan. Aasarin mo pa ako ah.

"Ew, what the heck? Don't call me that! My name is France, so baduy naman ng Francisco." inirapan niya pa ako. Baklang 'to, dukutin ko mata mo diyan.

Nagsimula na kaming magpractice. Tango 'yung sasayawin namin pero 'di na ako nahirapan kasi ako naman 'yung nagturo ng steps kay Alice. Actually, ako talaga dapat 'yung sasayaw. Kaso tinanggihan ko kasi busy ako noon sa pagpapapansin kay Jacob.

Halos limang oras kami nag-ensayo kasi medyo nakalimutan ko na 'yung mga formations at steps. Pero madali ko rin naman nasaulo. Kaya nung natapos kami magpractice ay gamay ko na agad.

"So bukas, agahan mo kasi aayusan pa tayo. Agahan mo ha, baka mamaya dadating ka lang kung kailan tapos na." paninigurado niya.

Inirapan ko siya, "'Di mo na kailangan ipaalala, baka sa sobrang aga ko mas mauna pa ako sa'yo." pero syempre imposible 'yon, sa bagal ko ba namang kumilos.

Hinanap ko sila Selene paglabas ko sa studio. Nakita ko sila na nakaupo sa bench kung saan madalas kaming tumatambay, iba 'to roon sa bench na katapat ng college dept.

"Nagugutom na ako," reklamo ko sa kanila. Pagkaupo ko ay naglabas ako ng salamin para mag-ayos. Umalis kasi ako agad sa studio pagkatapos na pagkatapos nung practice.

Sinamahan nila ako sa cafeteria nung tapos na akong mag-ayos. Pagdating namin doon ay halos wala nang tao, kanina pa kasi nag-uwian. Nagpunta ako sa counter at bumili ng apple at bottled water.

Naupo muna kami sa table habang kumakain ako. Sa katabing table namin ay mga college students na nagtatawanan. 'Di ko sila pinansin kasi 'di ko naman sila kilala.

"Sino magrerepresent sa level natin?" tanong ko sa kanila.

"Si Selene," sagot ni Cara.

Gulat kong tinignan si Selene, "Talaga? Bakit 'di niyo sinabi sa akin?"

"Hello? Paano namin sasabihin sayo? Halos 'di ka na nga pumapasok sa klase. 'Di ka na nga rin namin makausap dahil busy ka." sagot ni Selene sa akin.

Empty PartsWhere stories live. Discover now