Habang naglalakad ako papunta sa college dept., saka ko lang naalala na 'di pa pala ako nakakapagpalit ng damit. Medyo nahiya ako kasi nasa campus kami and medyo revealing itong suot ko. I crossed my hands in front of me para naman matakpan, although wala namang tatakpan.
Hindi allowed pumasok sa college dept. 'yung mga juniors st seniors. Pero wala namang nagbabantay ngayon for sure, kasi intramurals. Busy din lahat ng teachers.
Pagkapasok ko roon ay nanibago ako sa itsura. 'Di naman ito 'yung unang beses na nakapasok ako rito pero nakaka-amazed kasi iba 'yung aura dito kaysa sa department namin. Mas seryoso dito. Mas malawak din dito at mas maraming buildings.
Nasa dulo pa 'yung building ng engineering. Habang naglalakad ako patungo roon ay may mga nakakasalubong akong mga estudyante na panay ang tingin sa akin. 'Di ko na lang sila pinansin kasi hindi namin sila 'yung pakay ko. Muntik pa akong tumigil at harapin 'yung isang lalaki na sumipol at saka bumulong doon sa mga kaibigan niya, akala ko naman wala nang ganito dito. Nakakadisappoint talaga 'yung mga taong nagca-catcalling. I mean, sipol lang 'yung ginawa niya pero nakaka-offend pa rin. Hindi nila alam kung anong nararamdaman namin kapag ginaganon kami. Nakakabastos!
Kung hindi lang ako nakapagpigil ay sinapak ko na 'yung lalaking 'yon. He should act right! Edukado pero hindi marunong rumespeto, basura!
Nagmadali ako sa paglalakad, nagsisi tuloy ako na hindi ko inuna 'yung pagbibihis. Pero nandito na e, wala na kong magagawa.
Pagkarating ko sa building nila Elli ay nagtanong tanong ako doon kung saan 'yung room niya. Umakyat ako sa second floor, nakita ko siya roon na nakatayo habang nakasandal sa pader at kinakausap si Clint.
Bumaling siya sa gawi ko kaya napatingin din sa akin si Clint. Lumapit ito sa akin at saka umakbay.
"Anong ginagawa mo dito, Angel? Binibisita mo ba ako?" tanong niya sa akin.
Wow! Ang lakas ng loob.
"No," I said honestly, tinanggal ko rin 'yung kamay niya sa balikat ko.
Humawak siya sa dibdib niya at saka umakto na parang nasasaktan, "Ang straightforward mo namang magsalita."
Natawa ako dahil sa sinabi niya. Nilapitan ko si Elli na nananatiling nakasandal sa pader.
"Lagi na lang si Elli, ano bang nakikita niyo diyan? E lagi namang nakasimangot," narinig kong bulong ni Clint na mas lalo kong ikinatawa. Pumasok naman siya sa loob ng room at iniwan kami.
Nang nasa tapat niya na ako ay pinasadahan niya lang ako ng tingin pero wala siyang sinabi.
"Uh, Hey." I awkwardly said, 'di pa rin naman nawawala sa isip ko 'yung ginawa ko, 'no!
"You're not allowed here," walang emosyon niyang saad, ni hindi man lang ako tinignan.
"I know, pero walang nagbabantay." sagot ko.
Nanatili siyang tahimik kaya nagsalita ulit ako, "I came here because Selene asked me to, 'yung heels daw na gagamitin niya."
Hindi niya ako sinagot, pumasok lang siya sa loob ng room. Paglabas niya ay may dala siyang paperbag at jacket na color black.
Inabot niya ang mga "yon sa akin pero 'yung paperbag lang 'yung kinuha ko, "Wala naman siyang pinapakuha na jacket," nagtataka kong saad.
Kinuha niya 'yung kamay ko at saka ipinatong doon 'yung jacket.
"Wear it," seryosong saad niya bago siya tumalikod sa akin. Tinignan ko 'yung pinatong niya sa kamay ko at saka binalik 'yung tingin ko sa kaniya. I smiled.