2

17 3 2
                                    

After class, dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko at basta na lang na ipinasok sa bag ko. Bahala na kung magulo, puwede namang makapaghintay 'yan. Nainis ako nung ayaw pa magkasya nung libro ko.

"Hey, ano tutunganga ka pa diyan? Dalian mo at baka mag-alburoto na sa galit y'on." singhal sa akin ni Selena.

"Teka lang, puwede? Ito na nga oh, di na nga inayos 'yung gamit." inirapan ko siya at saka sinukbit ang bag ko sa likuran nang sa wakas ay naipasok ko na 'yung libro.

Pupunta kami ngayon sa airport para sunduin si Cara, galing siya sa family reunion nila. Kaya rin wala siya kahapon sa birthday ko.

Ginamit namin 'yung sasakyan ko dahil walang dala si Selene. Late na kami nakaalis kasi ang tagal magdismiss ni sir, tapos traffic pa. Nakakainis.

Ilang minuto pa ang nakalipas bago kami dumating sa airport. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang nakasimangot na mukha ni Cara, akala niya kinaganda niya 'yung pagsimangot.

Hininto ko mismo yung kotse sa tapat niya at hindi na ako bumaba. Hinayaan ko na si Selene ang gumawa non para sa akin. Tinulungan niya ito na ipasok ang bagahe sa likod ng kotse ko. Umupo naman si Cara sa tabi ko at lumipat si Selene sa likod.

"Hoy ano 'yung nabalitaan ko na tumakas ka raw sa sarili mong party?" bungad niya sa akin. Minsan talaga ang sarap sabunutan nito, nakakabingi sa sobrang lakas ng boses. Akala mong laging may kaaway.

"Wala man lang I miss you, Angel? Ayan talaga bungad? Saan mo naman nabalitaan 'yan? And nasaan sila tito at tita? Nauna na?" tanong ko nang hindi siya tinitignan dahil nagmamaneho ako.

"No, nagpaiwan sila roon. Nauna lang ako kasi may pasok." inayos niya ang upo niya at ibinaling ang buong katawan niya sa akin na parang naghihintay ng chismis. "Enough of that, nabalitaan ko malamang mula kay Selene. And kahit hindi niya sabihin sa akin malalaman at malalaman ko rin no! Mabilis ang chismis."

"Fyi, umalis ako at hindi tumakas. Magkaiba 'yon. So anong gusto mong malaman maliban doon sa part na umalis ako?" tanong ko.

"Bakit ka umalis? Saan ka nagpunta? Nagalit ba sila tito?" sunod sunod na tanong niya.

"As if naman na hindi ka pa sanay na basta bastang nawawala 'yan." singit ni Selene sa likod.

"Umalis ako kasi wala akong magawa kung hindi ang makipagngitian sa mga taong 'di ko naman kilala. Nagpunta ako sa bar. And yes, nagalit sila pero parang 'di mo naman sila kilala. Alam mo naman na sanay na 'yon kaya hindi na sila masyadong nagsesermon. Besides, kakampi ko sa mom. I hope that answered all your questions." 

"Saan pala tayo pupunta?" I added.

"Bar," maikling sagot ni Cara.

"Bar agad? Magmall na lang tayo! Bibili rin ako ng damit." sabi ni Selene. Hindi umangal si Cara so dumiretso ako ng mall.

Buong byahe ay nag-uusap silang dalawa samantalang ako ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. Madalas to mangyari. Ngayon madaldal ako, and then mamaya tahimik. Then galit. Madaldal. Malungkot. This is normal for me. And I guess nasanay na rin sila.

Kapag may mga bagay ako na hindi ko nagugustuhan, tumatahimik ako. Or kapag hindi ko lang feel na makipag-usap sa kahit kanino. Kapag ganito ako, gusto ko na mag-isa ako. Ayoko kasi ng ingay, pero hindi ko naman puwedeng sabihin sa kanila na tumahimik sila dahil lang sa ayaw ko ng maingay.

Diniretso ko na lang ako tingin ko sa daan, medyo dumidilim na. Nagsisilabasan na 'yung mga tao. Dumarami na rin 'yung mga nagtitinda sa tabi ng kalsada. Buhay na buhay talaga ang mga tao tuwing gabi.

Pagkarating namin sa mall ay pinauna ko na sila sa loob dahil magpapark pa ako. Pagkatapos ko ay dumiretso na agad ako sa loob. Papunta na ako sa food court nang makita ko 'yung babaeng kasama nila Ellis kanina. Mag-isa lang siya. Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa makalagpas siya sa akin, pero hindi ko pinahalata syempre.

Empty PartsWhere stories live. Discover now