Kabanata 6

5 0 0
                                    


The picture



"Saging, you want?" napalingon si Kayd sa hawak kong saging. Muntikan pa siyang matusok sa pisngi.


"No, thanks. I have mine" natawa ako ng kinuha niya ang mahabang saging na nasa tabi lang ng upuan niya. Iwinawagayway pa niya iyon sa harapan ko.


Ok. Fine. May saging nga siya.


Napapitlag ako ng biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Maggie is trying to facetime with me again. Araw-araw na niya itong ginagawa at isa lang ang rason doon. Lumayo ako sa bahay ni Lola Ruth kung saan nakaupo sa labas si Kayd at Benjo bago sinagot ang tawag.


"What again?" bungad ko sa kanya.


Napahalakhak siya dahil sa turan ko.


"Wow, sizt! Good morning naman sayo! Walang ganun? Gagalet agad?" humawak pa ito sa dibdib at nagkunwaring nasasaktan.


"Araw-araw kang tumatawag, Maggie at iisa lang lagi ang rason mo!" pinandilatan ko siya kaya't humalakhak ng malakas ang bruha.


"Eh kasi...curious lang talaga ako dyan sa Kayd mo na 'yan" napalingon ako sa paligid sa takot na may makarinig sa sinabi niya.


"Ano ba, Maggie?! Can you please drop that topic now?" Simula ng mai-kwento ko sa kanya si Kayd ay walang tigil na siya sa pag-iintriga. Feeling ko nga kung kasama ko siya dito sa isla ay wala na akong mukhang maihaharap pa kay Kayd; sa layo na nang naabot ng imagination ni Maggie.


"Ok. Fine," itinaas niya ang kamay sa ere. Napasinghap ako at nanlaki naman ang mata ni Maggie ng makitang dumaan sa likod ko si Kayd dala ang laptop niya at ilang folders. Papunta siguro ito sa dampa kung saan lagi itong tumatambay. "Uy! Sino 'yun?!" hysterical na tanong niya. Kung pwede lang sigurong lumabas siya screen ng phone ko ay ginawa na niya.


Napanganga ako ng makita ko sa screen kong tumigil sa paglalakad si Kayd at naglakad pabalik. Huminto siya ng masiguradong kita na siya sa screen ng phone ko. Kumaway siya kay Maggie at namatay na nga po sa kilig ang kabigan ko. Teka nga...bakit ang friendly naman ata ni Kayd?


"May bumabang anghel!" kilig na kilig na sigaw ni Maggie. Walang pakialam kung marinig man siya ni Kayd. Sabagay Maggie just being is usual self, pranka, sasabihin ang gusto niyang sabihin.


Itinuro ko si Kayd tapos ay si Maggie naman na nasa screen.


"Kayd, this is Maggie, my bestfriend, Mag, this is Kayd,"


"Oh...so you're the famous Kayd pala ha?" tumango-tango si Maggie. Kinabahan ako sa kung ano mang maaring lumabas sa bibig ni Maggie. Hindi ko naman siya pwedeng sabunutan o busalan kaya't nagkasya nalang ako sa pandidilat ng mata. May kasamang pagbabanta na ibabaon ko siya sa buhangin dito sa Jomalig kapag ipinahamak niya ako.


"What do you mean?" nilingon ako ni Kayd na kunot ang noo.


The summer of 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon