"Girls and Boys, bakit di natin ituloy 'tong get-together sa bagong bukas na isawan dyan sa may kabilang kanto?Tingin niyo?" ikinumpay ng pageant head committee ang kanyang ballpen na may pink na feather sa dulo.
Nagsigawan ang marami dahil sa suggestion niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapasulyap sa bintana ng silid kung saan ginanap ang orientation para sa darating na pageant. Madilim na sa labas, sumulyap ako sa wall clock sa may pinto. It's almost 8 in the evening at base sa gustong mangyari ng maraming candidate ay mukhang matatagalan pa bago ako makauwi.
"Sasama ka ba?" bulong sa akin ni Sarah, isa ring kandidata. Mayroong tigwalong candidates ang kategorya ng babae at lalake kaya medyo maraming tao dito sa silid, idagdag pa ang mga committee at ilang nilang mga kasama.
Ipinaliwanag sa orientation na mayroon nalang halos isang linggo bago ang contest kaya't halos araw-araw ang magiging practice, sa hapon lang naman iyon kaya wala na ring kaso sa akin. Atleast ay makakapagsulat ako sa umaga at sa hapon ay ensayo para hindi na rin kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko; dapat maging abala ako.
"Oo, mukhang masaya naman. Ikaw ba?" tumango siya sa akin at ngumiti halatang naexcite sa pupuntahan namin. Nagpakilala na ang bawat isa kanina ngunit kaunti lang ang natandaan ko dahil medyo marami rin kami.
Natuloy nga ang plano, pumunta kami sa isang karinderya na may mga tindang isaw. Napuno naming ang buong lugar kaya't medyo maingay doon, pumapaibabaw ang usok at amoy mula sa mga inihaw. Nilibot ko ang paningin ko upang hanapin si Jose, baka kasi bigla siyang umuwi at makalimutan ako. Di pa naman ako marunong umuwi sa resort ni Lola Ruth. Nakahinga ako ng maluwag ng matagpuan siya sa kabilang table kasama ang mga pageant committee. Iwinagayway niya ang hawak na bbq stick ng makita ako. Kinuha ko rin ang isang bbq stick at iwinagway iyon. Natawa siya dahil sa ginawa ko.
Masayang kasama ang mga committee at candidates, hindi sila nauubusang ng kuwento. Meron pang mga kumakanta at may nagpupustahan. Sumigaw ang marami dahil sa tinutuksong mga candidate na may relasyon pala dati, nabaling tuloy ang topic sa lovelife ng bawat isa.
"Ikaw ba, Aubrey?" napatigil ako sa pagkagat ng isaw na hawak ko. "May boyfriend ka ba? Mayroon kasing mamatay na sa kuryusidad dito" tanong ng isang babaeng candidate na may mahabang kulot na buhok siniko pa nito ang katabing lalake. Nilingon ko sila at lahat sila ay nag-aantay ng sagot.
"Wala," ngumiti ako sa kanila at ipinagpatuloy na ang pagkain. Nagsigawan sila at tinukso ang lalakeng siniko kanina. Pulang-pula na ito at pilit na sinasaway ang mga kasama.
Almost 10 pm na noong nagkayayaan ng umuwi. Kanya-kanya sila ng sakay sa mga service na sasakyan samantalang 'yung iba ay pumapara ng tricyle kagaya namin.
"Mabuti nalang at medyo magkalapit lang ang uuwian natin" ngumiti ako kay Sarah na ngayon ay nakayakap sa sarili niya dahil sa lamig. Kasabay namin siya ni Jose sa sasakyan naming tricyle dahil isang way lang ang bahay nila at resort ni Lola Ruth.
"Pwede pa ba akong makisabay?' napalingon kami sa lalakeng nakasuot ng itim na bonet. Siya 'yong inaasar kanina. "Hindi kasi maghatid ang driver na mag-isa lang ako eh"

BINABASA MO ANG
The summer of 2017
RomanceIt's the summer of 2017 when Aubrey decided to escaped in an unfamiliar island to think about what she truly wants in life. But 5 years after that she found herself trying to remember the memories that she lost 5 years ago.